
1.23 Bakit importante si Abraham?
Halos taglay ni Abraham ang lahat ng kagustuhan niya nang hiniling ng Diyos sa kanya na iwanan ang kanyang bayan at mga ari-arian at maglakbay kasama ang kanyang pamilya sa lupain na ituturo ng Diyos sa kanya (Gen. 12:1) Gen. 12:1: Gen. 12:1 Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo.. Pinangakuan siya ng Diyos ng maraming inapo. Nagtiwala si Abraham sa Diyos, at marapat naman: sa kabila ng kanilang katandaan, isinilang ang isang anak na lalaki (Isaac) kanila Abraham at sa asawa nitong si Sara (Gen. 21:2-3) Gen. 21:2-3: Gen. 21:2-3 Ayon sa panahong sinabi ng Diyos, si Sara nga ay nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki, kahit matanda na noon si Abraham. Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak..
Bilang pinakasukdulang pagsubok, hiniling ng Diyos na ihandog ni Abraham ang kanyang anak. Sa kabila ng pagdadalamhati, handa siyang sundin ang Diyos, pero maagap siyang pinigilan ng Diyos. Ipinakita ni Abraham na higit ang pagmamahal niya sa Diyos sa anupaman, at dahil dito, nakipagtulungan siya sa plano ng Diyos [>1.27]. Makakagawa ng mga dakilang bagay ang Diyos sa pamamagitan natin kung tayo ay makikipagtulungan at magtitiwala sa kanya [>4.7].
Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Matandang Tipan?
Ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa → Matandang Tipan bilang isang Diyos na nilikha ang mundo, pati na rin ang tao, dahil sa pag-ibig, pagkatapos ay nanatili pa ring tapat noong sila’y nahulog sa kasalanan papalayo sa Kanya.
Sa kasaysayan, ginawa ng Diyos ang Kanyang sarili na mararanasan. Nakipagtipan Siya kay Noe para sa kaligtasan ng lahat ng nilalang. Tinawag Niya si Abraham upang gawin siyang “ama ng maraming bansa” (Gen 17:5b) at sa pamamagitan niya’y “pagpapalain ang lahat ng bayan sa daigdig” (Gen 12:3b). Ang bayang Israel na nagmula kay Abraham ay magiging Kanyang natatanging pag-aari. Ipinakilala Niya ang Kanyang sariling pangalan kay Moises. Ang Kanyang mahiwagang pangalan יהוה ay madalas isinusulat na → Yawe, na nangangahulugang “Ako Siyang Umiiral” (Ex 3:14). Pinalaya Niya ang Israel mula sa pagkakaalipin sa Ehipto, nakipagtipan sa Sinai at ibinigay sa Israel ang Kanyang batas sa pamamagitan ni Moises. Paulit-ulit na ipinadala ng Diyos ang mga propeta sa Kanyang bayan, upang manawagan sa kanilang magbalik-loob at muling makipagtipan. Ipinahayag ng mga propeta na gagawa ang Diyos ng isang bago at walang hanggang tipan na magsasanhi ng isang radikal na pagbabago at pangwakas na pagtubos. Itong tipan ay mananatiling bukas sa lahat ng tao. [Youcat 8]
Who are the principal witnesses of the obedience of faith in the Sacred Scriptures?
There are many such witnesses, two in particular: one is Abraham who when put to the test “believed in God” (Romans 4:3) and always obeyed his call. For this reason he is called “the Father of all who believe” (Romans 4:11-18). The other is the Virgin Mary who, throughout her entire life, embodied in a perfect way the obedience of faith: “Let it be done to me according to your word” (Luke 1:38). [CCCC 26]
Paano tayo maaaring tumugon sa Diyos kapag kinakausap Niya tayo?
Ang pagtugon sa Diyos ay nangangahulugang maniwala sa Kanya.
Ang sinumang nais manampalataya ay nangangailangan ng “pusong maunawain” (1 H 3:9). Naghahanap ang Diyos ng maraming paraan para makipag-ugnayan sa atin. Sa bawat pakikipagtagpo sa tao, sa bawat makabagbag-damdaming karanasang pangkalikasan, sa bawat maliwanag na pagkakataon, sa bawat hamon, bawat pagdurusa ay may nakatagong mensahe ang Diyos para sa atin. Mas maliwanag lamang Niya tayong nakakausap kapag ginagamit Niya ang Kanyang Salita o ang tinig ng ating konsiyensiya. Kinakausap Niya tayo na parang kaibigan. Kaya nararapat lang na sagutin natin Siya at paniwalaan na parang kaibigan, lubos na pagkatiwalaan, higit na mas mabuting matutunang unawain at tanggapin ang Kanyang kalooban nang walang pag-aalinlangan. [Youcat 20]
Sa pamamagitan ng kanyang tipan kay Abraham (cf. Gen 15:18) at, sa pamamagitan ni Moises, kasama ang lahi ng Israel (cf. Ex 24: 8), nakakuha siya ng tao para sa kanyang sarili, at sa kanila ipinahayag niya ang kanyang sarili sa mga salita at gawa bilang ang isa, buhay at totoong Diyos. Ito ay ang kanyang plano na ang Israel ay maaaring matuto sa pamamagitan ng karanasan ng mga paraan ng Diyos sa sangkatauhan at, sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos na nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga propeta, ay maaaring unti-unting maunawaan ang kanyang mga paraan nang mas ganap at mas malinaw, at gawing mas kilala sila sa mga bansa. [Pope Benedict XVI, Verbum Domini, n. 11]