DeoQuest and TweetignwithGOD

 

Tungkol sa DeoQuest

Nais ng Tweeting with GOD na matulungan kayong hanapin ang mga kasagutan sa inyong mga tanong tungkol sa buhay at pananampalataya sa pamamagitan ng mga inimprentang mga aklat kasama ang digital media. Tingnan ang libreng app kung saan naka-link ang mga teksto sa aklat at higit pang impormasyon online.

Layunin ng Tweeting with GOD na matulungan kayong makita kung paano naka-ugnay ang lahat sa pagmamahal ng Diyos sa bawat tao, at makita ang lohika ng pananampalataya. Nais naming himukin kayo na malaman kung sino para sa inyo si Hesus, at hikayatin kayo na magtanong, matuto pa tungkol sa buhay at sa mga sagot na kayang ibigay sa inyo ng pananampalataya.

Inaasam namin na matulungan ang mga tao na lumago sa kanilang kaugnayan sa Diyos, upang literal na magsimulang mag-“tweet” o mag-post kasama ang Diyos sa pananalangin. Maaaring makatulong rin ang pagkilala ng iba pang nakapagbasa ng aklat o mga materyal online. Sa online, inaanyayahan namin ang mga tao na makibahagi sa pamamagitan ng pag-“like” sa nakikita nila at pakikipag-ugnayan sa aming mga social media pages at mga profile. Hinihikayat namin ang mga tao na bisitahin ang kanilang lokal na parokya upang maging mas aktibo sa kanilang mga pamayanan, at magmalasakit sa mga tao sa paligid nila.
 

 

Church in Leiden TweetingwithGODAng Pinagmulan

Nagmula ang Tweeting with GOD sa Leiden sa Netherlands, kung saan nakibahagi si Padre Michel Remery sa pag-uusap kasama ang mga kabataan tungkol sa kanilang mga katanungan ukol ang pananampalataya. Nagtanong sila hindi lamang ng personal pagkatapos ng pagtitipon sa simbahan, kundi pati sa Twitter, Facebook, at iba pang bagong media. Sa kanilang regular na pang-gabing sesyon naman, tinalakay nila ang kanilang mga tanong sa kanilang mga sarili at kasama ang kanilang pari. Lahat ng mga tanong ay tinanggap at walang paksa na ipinagbawal.

Hinanap ng mga kabataan na ito ang ibig sabihin ng pananampalataya sa kanilang sariling mga buhay. Bakit kailangan kong maniwala sa Diyos? Makatuwiran bang maniwala? Tinulungan sila ng kanilang mga pagpupulong na maunawaan ang pananampalataya sa kani-kanilang mga buhay. Inudyok nila si Padre Michel na ilathala ang mga resulta sa dalawang magkasunod na aklat na may pamagat na ‘Tweeting with GOD 1 & 2’. Ang dalawang magkahiwalay na aklat na ito ay pinagsama sa iisang aklat dahil ang lahat ng mga tanong ay magkakaugnay. Ang mga kabataan ay may malaking bahaging ginampanan sa yugtong ito pati na rin sa kinalaunan sa pagmungkahi at paglikha ng mga materyal na interaktibo. Mabilis na nakuha ng Tweeting with GOD ang paghahangad ng mga bansa, na humantong sa pagsasalinwika ng mga aklat sa iba’t ibang mga wika.

Target na mga pangkat
Naghahandog ng tulong ang Tweeting with GOD sa mga taong nais lumago sa pananampalataya at sa pakikipag-ugnayan kay Hesus. Nagbibigay ito ng saligang kaunawaan sa pananampalataya sa Diyos, batay sa sinasabi ng Bibliya at ng Simbahan tungkol sa mga bagay na ito.

Ipinahiwatig ng mga tao ng lahat ng gulang na lubos silang tinulungan ng Tweeting with GOD. Angkop ito sa pagsuporta ng indibiduwal na proseso sa pagpapalalim ng pananampalataya, dahil sa kombinasyon ng aklat, app, nilalaman online, at social media. Ibinibigay nito ang lahat ng kailangan ng isang tao upang malaman at magbulay tungkol sa pananampalataya, mag-isa man o nang may kasama.

Ang aklat at ang mga impormasyon online ay maaaring gamitin ng maraming uri ng mga target na mga pangkat, kasama ang:

  • Mga nais palalimin ang kanilang kaalaman tungkol sa pananampalataya.
  • Mga nangangailangang ipaliwanag ang kanilang pananampalataya. Kapag naharap sa mga katanungan na hindi ninyo masagot, mabibigyan kayo ng mga ideya ng Tweeting with GOD upang maipagpatuloy ang usapan.
  • Mga mag-aaral sa mataas na paaralan. Maaaring mag-alok ng relihiyosong edukasyon sa mataas na paaralan gamit ang aming programa [>Resources>How to grow in faith online and offline].
  • Kumpil, RCIA o mga kandidato sa Pag-aasawa. Mayroong isang kumpletong programa [>Resources>How to grow in faith online and offline] bilang paghahanda sa pagtanggap ng mga sakramento.
  • Mga may kasama sa trabaho na kabataan. Maging handa sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong.
  • Mga pangkat tungkol sa pagbubulay sa pananampalataya para sa mga kabataan, mga tin-edyer, o mga nasa-gulang. Humanap ng buong programa [>Resources>How to grow in faith online and offline] para sa mga pagpupulong at ng mga tip [>Resources>The Tweeting with GODManual and Specials] para sa tagapamagitan.
  • Mga nagpapatuloy na katekesis sa mga parokya. Maghanap ng batayan para sa mga nagpapatuloy na katekesis [>Resources>How to grow in faith online and offline] para sa anumang edad.
  • Karagdagang (sariling) pag-aaral matapos ang panimulang kurso tungkol sa pananampalataya. Para sa mga nais palalimin ang kanilang kaalaman tungkol sa iba’t ibang aspeto ng pananampalataya.
  • Mga magulang at mga ninong o ninang ng mga lumalaking mga bata. Tulungan na maghanda ng magagandang mga sagot sa mga tanong ng inyong mga anak.

Kailangan namin kayo! Makisali sa amin at suportahan ang aming gawain!

PANANALANGIN
Samahan kami sa pananalangin para sa Tweeting with GOD at sa mga kaugnay na inisyatiba tulad ng Online with Saints, pati na rin para kay Padre Michel Remery. Higit na kinakailangan ang inyong mga panalangin. Narito ang aming mga nais ipanalangin [>Support us>Pray with us].

BOLUNTARYO
Sumali sa aming online na pamayanan ng mga boluntaryo at ibahagi ang inyong pananampalataya sa iba. Kung mayroon kayong libreng panahon at nais maging bahagi ng aming internasyonal na pangkat online, samahan kami [>Support us>Make a difference! Become a volunteer!] ngayon!

DONASYON
Lubos niyo kaming matutulungan sa pamamagitan ng pagbigay ng pinansyal na tulong [>Support us>Donate]. Ang inyong donasyon ay gagamitin lamang para sa mga inisyatibang pang-ebanghelisasyon ni Padre Michel [>About us>The Author] at ng pangkat [>About us>We make Tweeting with GOD] ng Tweeting with GOD.
 

Youth Tweeting with GOD

Tweeting with GOD at mga Katambalan

Ang Panalanging Pandaigdig ng Santo Papa
 Ang Tweeting with GOD ay pumirma ng madiskarteng pakikipagsosyo kasama ang Pope’s Worldwide Prayer Network sa layunin na makatulong sa mga tao sa buong mundo na magsimula, magsulong, at mabuhay sa isang malalim na personal na kaugnayan kasama si Hesukristo sa pamamagitan ng pananalangin, mapalago ang pag-uunawa sa kanilang pananampalataya, at magbahagi ng mga tanong upang matuklas ang lohika ng pananampalataya at makita na nakaugnay ang lahat sa pagmamahal ng Diyos—palaging kaisa ang Papang Romano, at sumusunod sa mga aral, moralidad, at kaugalian ng Simbahang Katolika Romana, at lalo na ang kanyang tungkulin. Kasama sa mga proyekto ng Pope’s Worldwide Prayer ay ang:
The Pope Video [>www.thepopevideo.org]
Click To Pray [>www.clicktopray.org]
Ang Daan ng Puso [>www.caminodelcorazon.church]

ApostolatMilitaire International
Kasama ang ApostolatMilitaire International [>www.apostolatmilitaireinternational.com], kami ay nakagawa ng app [>Military AMI-TwGOD app] ukol sa paggamit ng kawani ng militar. Ang tambalan para sa AMI-TwGOD app ay nagsimula noong nakipag-ugnayan sa Tweeting with GOD ang pagkapangulo ng AMI gamit ang social media at hiniling na magtambalan.

Youcat
Nagpupulong paminsan-minsan ang mga pangkat ng Tweeting with GOD at Youcat [>www.youcat.org] upang magpalit ng mga pahayag tungkol sa mga maiinam na paraan na magsanib para sa mga partikular na proyekto. Nagaganap ang patuloy na tambalan sa social media, at ang mga tagapaglathala ay tumutukoy sa proyekto ng isa’t isa.