Kami ang bumubuo sa Tweeting with GOD
Ang pangkat sa likod ng Tweeting with GOD ay binubuo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kasama ang mga daan-daang boluntaryo, kami ay walang lubay na nagtatrabaho para sa layunin at sentrong mensahe ng aming misyon.
Ang aming misyon
Nais namin kayong tulungang hanapin ang mga sagot sa inyong mga tanong, at marahil matuklasan ang inyong pananampalataya, at lumago sa inyong kaugnayan kasama si Hesukristo. Layunin ng Tweeting with GOD na tulungan kayong mag-isip at matuklas ang lohika ng pananampalataya, sa pamamagitan ng paghikayat at pagbahagi ng mga tanong. Sa ganitong paraan, nais naming ipakita na si Hesus ay nagsasalita nang magkakasabay sa inyong utak, puso, at kamay. Sa madaling salita, inaasam naming matulungan kayong mahanap ang maliwanag na mga kasagutan sa inyong mga tanong tungkol sa buhay, sa Diyos, at sa Simbahan.
Kami ay nagsimula dahil sa aming personal na kaugnayan kay Hesus: nais naming lahat na patuloy na lumago sa kaugnayan na ito at matutuhan pa ang tungkol kay Hesus. Si Hesus ay laging nasa sentro ng aming mga gawain. Hinihiling niya na ipangaral ang Ebanghelyo (Marcos 16:15) at ipahayag ang aming pananampalataya saanman maaari (1 Pedro 3:15). Nagmula ang Tweeting with GOD sa mga pag-uusap ni Padre Michel kasama ang mga kabataan mula sa Leiden, sa Netherlands. Ngayon mahahanap ninyo na kami sa buong daigdig!
Makisali sa amin!
Kayo rin ay maaaring makagawa ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pagbigay inspirasyon sa mga tao gamit ang inyong personal na karanasan kasama ang Diyos! Sumali sa aming pangkat ng mga online na misyonero! Suportahan kami sa pamamagitan ng pagbigay ng donasyon, pananalangin, o sa pagiging isang boluntaryo kasama ang Tweeting with GOD!
Marcos 16:15 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.
1 Pedro 3:15 Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.