DeoQuest and TweetignwithGOD

 

Padre Michel Remery

Ang may-akda ng Tweeting with GOD, Rev Dr Michel Remery M.Sc. (1973), ay isang pari ng Diyosesis ng Rotterdam sa Netherlands. Siya ay nag-aral ng arkitektura sa Delft University of Technology, at nagtrabaho para sa Royal Netherlands Air Force at, nang bandang huli, bilang isang dayuhang inhenyero sa mga Estado ng Baltico para sa kompanya ng sanggunian at inhenyeriya na Tebodin. Si Padre Michel ay nag-aral ng pilosopoya at teolohiya sa Pontifical Gregorian University sa Roma at inordena bilang pari noong 2004. Sa loob ng ilang taon, siya ay naging miyembro ng isang lupong tagapayo para sa bagong media at kabataan sa Vatican Office for Internet Affairs. Noong 2008, nakumpleto niya ang kanyang tesis doktoral tungkol sa kaugnayan ng liturhiya at arkitektura. Nakapaglathata siya ng mga aklat at mga artikulo hinggil sa paksang ito at siya ay isang kapwa mananaliksik sa School for Catholic Theology ng Tilburg University.

Kabataan, gawaing pang-parokya, at Europa
Mula 2006 hanggang 2012, nagsilbing assistant na pari si Padre Michel sa ilang mga parokya sa Leiden, sa Netherlands, kung saan madalas niyang kasama sa trabaho ang mga kabataan at mga estudyante sa unibersidad. Ito ay kung saan nilikha ang Tweeting with God. Kasama ang mga kabataan, siya ay naglakbay sa Roma, sa Banal na Lupain, Krakow, Istanbul, Surinam, at sa maraming World Youth Days. Si Padre Michel ay naglingkod bilang Pangalawang Kalihim-Panlahat ng Council of European Bishops’ Conferences (CCEE) sa St. Gallen, Switzerland. Maliban dito, siya ay naging kalihim ng Commission for Social Communications at ng Commission for Catechesis, Schools and Universities.

Ministeryo ng mga kabataan at mga internasyonal na proyekto
Noong 2018, pinagpatuloy ni Padre Michel ang kanyang tungkuling makasaserdote sa Luxembourg kung saan siya ay naging pambansang kapelyan ng kabataan, at nagtaguyod sa ministeryo ng mga kabataan sa internasyonal na antas, partikular para sa Tweeting with GOD. Kasama sa kanyang mga gawain ay ang pagtulong sa mga lider ng mga kabataan, paghikayat ng pag-uusap ng mga karanasan at ng mga bagong ideya, at pagbabahagi ng pag-uusap kasama ang mga kabataan sa buong mundo, lalo na sa pamamagitan ng social media. Kasama ang pangkat ng mga masisiglang kabataan, patuloy niyang sinusulong at pinapalawak ang mga inisyatibang internasyonal kaugnay ang mga kabataan.

Si Padre Michel ay may kakayahang magsalita sa mga wikang Olandes, Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Luksemburges, Kastila, at may pangunahing pag-uunawa sa mga wikang Polako at Portuges.