
1.22 Bakit nangyari ang Malaking Baha noong panahon ni Noe?
Sinasabi sa aklat ng Genesis maraming taon makalipas ang pagkahulog nina Adan at Eba, na muling hindi nasiyahan ang Diyos sa mga tao, na kasamaan at makasalanan ang kinikilos. Ikinalungkot niya na linikha niya ang mga ito, at gusto niyang lipulin sa malaking baha. Si Noe lamang ang may magandang asal. Inutusan siya ng Diyos na magtayo ng arka upang maging tuluyan ng kanyang pamilya, gayundin ang lahat ng uri ng hayop sa mundo, babae at lalaki.(Gen. 9:16)Gen. 9:16: Sinabi ng Diyos kay Noe, “Napagpasyahan ko nang lipulin ang lahat ng tao sa daigdig. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan. Gugunawin ko sila kasama ng daigdig. Kaya gumawa ka ng isang malaking barko na yari sa kahoy na sipres. Lagyan mo ito ng mga silid at pahiran mo ng alkitran ang loob at labas nito. Ang barkong gagawin mo ay 135 metro ang haba, 22 metro ang luwang, at 13.5 metro ang taas. Bubungan mo ito at lagyan ng kalahating metrong pagitan mula sa bubong hanggang sa tagiliran. Gawin mong tatlong palapag ang barko at lagyan mo ng pintuan sa tagiliran. Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng may buhay sa balat ng lupa. Ngunit ako'y gagawa ng kasunduan natin: Isama mo ang iyong asawa at mga anak na lalaki, pati mga asawa nila, at pumasok kayo sa barko. Magsakay ka ng isang lalaki at isang babae ng bawat uri ng hayop at ibon upang magpatuloy ang lahi nila..
Matapos lukubin ng baha ang daigdig, ang arko ni Noe ay lumutang sa malawak na karagatan. Pagkalipas ng 150 na araw ay humupa ang baha. Ang Diyos ay gumawa ng tipan sa lahat ng tao [>1.27]: na hindi niya muling papayagan na lukubin ng baha ang daigdig. Ang bahaghari ay tanda ng pangakong ito (Gen. 9:16)Gen. 9:16:Tuwing lilitaw ang bahaghari, maaalala ko ang walang hanggang tipan na ginawa ko sa inyo at sa lahat ng may buhay sa balat ng lupa..
What are the first stages of God's Revelation?
From the very beginning, God manifested himself to our first parents, Adam and Eve, and invited them to intimate communion with himself. After their fall, he did not cease his revelation to them but promised salvation for all their descendants. After the flood, he made a covenant with Noah, a covenant between himself and all living beings. [CCCC 7]
Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Matandang Tipan?
Ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa → Matandang Tipan bilang isang Diyos na nilikha ang mundo, pati na rin ang tao, dahil sa pag-ibig, pagkatapos ay nanatili pa ring tapat noong sila’y nahulog sa kasalanan papalayo sa Kanya.
Sa kasaysayan, ginawa ng Diyos ang Kanyang sarili na mararanasan. Nakipagtipan Siya kay Noe para sa kaligtasan ng lahat ng nilalang. Tinawag Niya si Abraham upang gawin siyang “ama ng maraming bansa” (Gen 17:5b) at sa pamamagitan niya’y “pagpapalain ang lahat ng bayan sa daigdig” (Gen 12:3b). Ang bayang Israel na nagmula kay Abraham ay magiging Kanyang natatanging pag-aari. Ipinakilala Niya ang Kanyang sariling pangalan kay Moises. Ang Kanyang mahiwagang pangalan יהוה ay madalas isinusulat na → Yawe, na nangangahulugang “Ako Siyang Umiiral” (Ex 3:14). Pinalaya Niya ang Israel mula sa pagkakaalipin sa Ehipto, nakipagtipan sa Sinai at ibinigay sa Israel ang Kanyang batas sa pamamagitan ni Moises. Paulit-ulit na ipinadala ng Diyos ang mga propeta sa Kanyang bayan, upang manawagan sa kanilang magbalik-loob at muling makipagtipan. Ipinahayag ng mga propeta na gagawa ang Diyos ng isang bago at walang hanggang tipan na magsasanhi ng isang radikal na pagbabago at pangwakas na pagtubos. Itong tipan ay mananatiling bukas sa lahat ng tao. [Youcat 8]
Sa iba`t ibang edad ng kasaysayan ang mga kalalakihan ay nagpatuloy na gumawa ng mga kasalanan, marahil ay mas malaki pa sa nailarawan bago ang baha. Gayunpaman, mula sa mga salita ng tipang ginawa ng Diyos kay Noe napagtanto natin na ngayon ay walang kasalanan na maaaring magdala sa Diyos upang sirain ang mundong nilikha niya mismo. [Pope John Paul II, Homily, 16 Feb. 1997]