
1.21 Hindi ba’t ang mga pambihirang kwento sa Bibliya ay pawang mga alamat lamang?
Ang ibang mga kwento sa Bibliya ay mga patula tulad ng mga talinhaga na ginamit ni Hesus upang malinaw na maipaliwanag ang kanyang mensahe. Higit sa mga katanungan kung nangyari nga ito ay ang mga malalim nitong kahulugan. Hindi ito mga pawang alamat lamang!
Ang Bibliya ay naglalaman ng napakaraming makasaysayang impormasyon tungkol sa mga tao, lugar, at pangyayari. Lahat ng kwento sa Bibliya ay iisa ang pangunahing mensahe [>1.27]: Walang kundisyon ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Dunong ng Simbahan What is the unity that exists between the Old and the New Testaments?
Scripture is one insofar as the Word of God is one. God’s plan of salvation is one, and the divine inspiration of both Testaments is one. The Old Testament prepares for the New and the New Testament fulfills the Old; the two shed light on each other. [CCCC 23]
Ano ang kahalagahan ng Matandang Tipan para sa mga Kristiyano?
Sa → Matandang Tipan, ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili bilang tagapaglikha at tagapanustos ng daigdig, at bilang tagagabay at tagapagturo ng tao. Pati ang mga aklat ng Matandang Tipan ay salita ng Diyos at Banal na Kasulatan. Hindi maiintindihan si Jesus kung wala ang Matandang Tipan.
Nagsimula sa → Matandang Tipan ang isang dakilang kasaysayan sa pag-aaral ng pananampalataya, na sa → Bagong Tipan ay magiging isang mapagpasyang punto, na maabot ang kanyang layunin sa katapusan ng mundo at sa muling pagbabalik ni Kristo. Ipinapakita nito na ang Matandang Tipan ay higit pa sa isang pasimula lamang para sa Bagong Tipan. Ang mga utos at mga propesiya para sa mga tao ng Matandang Tipan at ang mga pangako na nakapaloob rito para sa lahat ng tao ay hindi kailanman binawi. Sa mga aklat ng Matandang Tipan ay makikita ang isang hindi mapapalitang kayamanan ng mga dasalin at karunungan, lalo na ang Mga Salmo na nabibilang sa pang-araw-araw na panalangin ng Simbahan. [Youcat 17]
Ano ang kahalagahan ng Bagong Tipan para sa mga Kristiyano?
Sa → Bagong Tipan ay makikita ang kaganapan ng → Pagbubunyag ng Diyos. Ang apat na Ebanghelyo ayon kina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay ang puso ng Banal na Kasulatan at ang pinakamahalagang kayamanan ng Simbahan. Ipinapakita sa mga ito ang Anak ng Diyos, kung ano Siya at kung paano Niya tayo nakatagpo. Matututunan natin sa Mga Gawa ng mga Apostol ang pagsisimula ng Simbahan at mga gawa ng Espiritu Santo. Sa Aklat ng Pagbubunyag makikita natin ang katapusan ng panahon.
Si Jesus ang lahat ng nais sabihin sa atin ng Diyos. Isang paghahanda para sa pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos ang buong → Matandang Tipan. Kay Jesus makikita ang pagsasakatuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Ang maging Kristiyano ay nangangahulugan ng mas malalimang pagkakaisa sa buhay ni Kristo. Dapat basahin at isabuhay ang mga Ebanghelyo para sa layuning ito. Sinabi ni Madeleine Delbrêl, “Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sinasabi sa atin ng Diyos kung ano Siya at ano ang ninanais Niya; sinasabi Niya ito nang tiyak at sinasabi Niya ito sa bawat araw. Kapag hawak natin ang Ebanghelyo sa ating mga kamay, kinakailangan nating isipin na nabubuhay rito ang Salita na nais magkatawang tao sa atin, na nais tayong kapitan upang panibago nating masimulan ang Kanyang buhay sa isang panibagong lugar, isang panibagong panahon, isang panibagong kapaligiran ng tao.” [Youcat 18]
Ito ang sinasabi ng mga Ama ng Simbahan
Pinag-aralan mo ang Banal na Kasulatan, na totoo at inspirasyon ng Banal na Espiritu. Alam mo na walang salungat sa hustisya o katotohanan ang nakasulat sa kanila. [St. Clement of Rome, Letter to the Corinthians, Chap. 45 (MG 1, 300)]