DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.15 Sino ang mga Apostol? Sino ang mga kahalili nila?
next
Next:2.17 Ang papa ba ay kahalili ni San Pedro?

2.16 Si Hesus ba ay laban sa mga kababaihan?

Si Hesus, ang mga Apostol, at ang papa

Ang mga kababaihan ay gumanap ng mahalagang papel sa makalupang buhay ni Hesus. Ipinanganak siya mula kay Birheng Maria [>1.38] at pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na magmuli ay una siyang nagpakita sa kanyang mga babaeng alagad. Sa kanyang magalang at bukas na paglapit sa mga kababaihan, bahagyang hindi niya pinansin ang mga pamantayang panlipunan na nananaig sa panahon na siya ay nasa lupa. 

Ang mga kalalakihan at kababaihan ay may pantay na halaga para kay Hesus at para sa Simbahan. Ngunit kasabay nito, malinaw na hindi sila pareho; ang bawat kasarian ay nakatanggap ng ibat’t ibang mga gawain [>3.41] mula sa Diyos. Magandang makita kung paano umakma sa bawat isa ang mga kalalakihan at kababaihan. Gayundin, mahalagang bigyang diin ang prinsipyo na palagi silang pantay.

Lubusang pinahalagahan ni Hesus ang mga kababaihan. Ang mga kababaihan at kalalakihan ay may pantay na halaga sa mga mata ng Diyos, na nagbibigay sa kanila ng magkakaiba ngunit magkakaugnay na tungkulin.
The Wisdom of the Church

What responsibility do human persons have in regard to their own sexual identity?

God has created human beings as male and female, equal in personal dignity, and has called them to a vocation of love and of communion. Everyone should accept his or her identity as male or female, recognizing its importance for the whole of the person, its specificity and complementarity. [CCCC 487]

Mas nakaaangat ba ang isang kasarian kaysa sa isa?

Hindi, pinagkalooban ng Diyos ng parehong dangal bilang tao ang kalalakihan at kababaihan.

Ang mga lalaki at babae ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos, at tinubos na mga anak sa pamamagitan ni Jesukristo. Kaya hindi maka-Kristiyano o makatao ang pakitaan ng diskriminasyon o palitan ang isang tao dahil siya ay lalaki o babae. Ngunit hindi nangangahulugang pagiging pareho ang parehong dangal at karapatan. Ang isang egalitaryanismo na nilalampasan ang mga indibidwal na katangian ng lalaki at babae ay sumasalungat sa ideya ng Diyos ng paglikha. [Youcat 401]

This is what the Popes say

Naglalaman ang Ebanghelyo ng isang nauugnay na mensahe na babalik sa ugali ni Hesu-Kristo mismo. Daig ang itinatag na mga pamantayan ng kanyang sariling kultura, tinatrato ni Jesus ang mga kababaihan ng pagiging bukas, respeto, pagtanggap at magiliw. Sa ganitong paraan iginagalang niya ang dignidad na laging taglay ng mga kababaihan alinsunod sa plano ng Diyos at sa kanyang pag-ibig. [Pope John Paul II, Letter to women, 29 June 1995, n. 3]