4.48 Kumusta naman ang politika, ekonomiya, at ang kapaligiran?
Ang ating lipunan ay binubuo ng mga taong maraming magkakaibang pinagmulan at mga relihiyon, na sumusubok na manirahan nang sama-sama para sa kapayapaan. Ito ay isang mahalagang gawain ng mga Kristiyano na lumahok sa buhay panlipunan, at ang politika ay may pangunahing papel sa buhay panlipunan. Sa politika din, ang Ebanghelyo at ang itinuturo ng Simbahan ay dapat magsilbing panimulang puntos.
Nangangahulugan ito, halimbawa, na ang aktibidad na pang-ekonomiya ay dapat maglingkod sa kapakanan ng lahat ng mga miyembro ng lipunan, mayaman man o mahirap. Tayo ay may pananagutan para sa wastong pamamahala ng daigdig at mga likas nitong yaman. Mahalagang igalang ang nilikha ng Diyos.
In what way do Christians participate in political and social life?
The lay faithful take part directly in political and social life by animating temporal realities with a Christian spirit and collaborating with all as authentic witnesses of the Gospel and agents of peace and justice. [CCCC 519]
May obligasyon ba ang mga Kristyano na makilahok sa pulitika at lipunan?
Isang natatanging katungkulan ng mga Kristiyanong → Layko na makilahok sa pulitika, lipunan at ekonomiya sa diwa ng Ebanghelyo, pagmamahal, katotohanan at katarungan. Para sa layuning ito, ang → katolikong doktrinang panlipunan ay nagbibigay sa kanila ng isang malinaw na oryentasyon.
Hindi tugma ang gawain ng partidong pampulitika sa ministeryo ng mga → obispo, → pari at → relihiyoso. Dapat silang maging naririyan para sa lahat. [Youcat 440]
How should social and economic life be pursued?
It should be pursued according to its own proper methods within the sphere of the moral order, at the service of the whole human being and of the entire human community in keeping with social justice. Social and economic life should have the human person as its author, center, and goal. [CCCC 511]
Ano ang katayuan ng Simbahan sa kapitalismo at sa merkadong ekonomiya?
Ang isang kapitalismong hindi nakabaon sa isang nakapirming legal na sistema ay nanganganib na mawalay sa → kapakanang pangkalahatan at maging paraan lamang para sa kasakiman ng iilan. Tiyak na tinatanggihan ito ng Simbahan. Sa kabilang banda, itinataguyod nito ang isang merkadong ekonomiya na nasa serbisyo ng tao na pinipigilan ang mga monopolya at ginagarantiya ang panustos ng mga mahahalagang kalakal at trabaho para sa lahat.
Tinitingnan ng → katolikong doktrinang panlipunan ang lahat ng mga panlipunang institusyon kung pinagsisilbihan nito ang → kapakanang pangkalahatan, ibig sabihin: hanggang saan nito "pahihintulutan ang mga indibidwal, pamilya at mga grupo ng lipunan na makamit nang lubos at walang balakid ang kanilang sariling kaganapan" (Ikalawang Konsilyo Vaticano, GS). Naaangkop din ito sa ekonomiya, na una nang dapat nanunungkulan sa tao. [Youcat 442]
Ano ang sinasabi ng Simbahan tungkol sa globalisasyon?
Una sa lahat, ang globalisasyon ay hindi mabuti o masama, kundi paglalarawan ng isang katotohanang kinakailangang bigyan ng anyo. "Mula sa mga bansang maunlad ang ekonomiya at ayon sa kanyang likas na katangian, ang prosesong ito ang naghikayat ng pagsasama ng lahat ng ekonomiya. Ito ang pangunahing pwersa sa paglitaw ng buong rehiyon mula sa atrasadong kaunlaran at naghanda ng isang mahusay na pagkakataon para sa kanyang sarili. Gayunpaman, kapag hindi nagagabayan ng pagmamahal sa katotohanan, makakatulong itong pandaigdigang pulso na pukawin ang hindi pa nakikilalang mga pinsala at bagong mga dibisyon sa pamilya ng sangkatauhan." (Papa Benito XVI, CiV)
Kapag bumili tayo ng murang pantalon, dapat interesado tayo sa mga kalagayan kung paano ito ginawa, kung nakakuha ba ang mga manggagawa ng isang makatarungang sahod o hindi. Mahalaga ang kapalaran ng lahat. Dapat ay may malasakit tayo sa pangangailangan ng lahat. Sa antas ng pulitika, nangangailangan ng "isang tunay na awtoridad sa mundo ng pulitika" (Papa Benito XVI, CiV) na mangangalaga upang masigurong marating ang isang makatarungang balanse sa pagitan ng mga tao sa mayayaman at doon sa hindi pa maunlad na mga bansa. Kadalasan, ang mga ito ay hindi kasama sa mga benepisyo ng globalisasyon ng ekonomiya at pasan lamang ang kabigatan. [Youcat 446]
What does the seventh commandment require?
The seventh commandment requires respect for the goods of others through the practice of justice and charity, temperance and solidarity. In particular it requires respect for promises made and contracts agreed to, reparation for injustice committed and restitution of stolen goods, and respect for the integrity of creation by the prudent and moderate use of the mineral, vegetable, and animal resources of the universe with special attention to those species which are in danger of extinction. [CCCC 506]
What attitude should people have toward animals?
People must treat animals with kindness as creatures of God and avoid both excessive love for them and an indiscriminate use of them especially by scientific experiments that go beyond reasonable limits and entail needless suffering for the animals. [CCCC 507]
What is forbidden by the seventh commandment?
Above all, the seventh commandment forbids theft, which is the taking or using of another’s property against the reasonable will of the owner. This can be done also by paying unjust wages; by speculation on the value of goods in order to gain an advantage to the detriment of others; or by the forgery of checks or invoices. Also forbidden is tax evasion or business fraud; willfully damaging private or public property; usury; corruption; the private abuse of common goods; work deliberately done poorly; and waste. [CCCC 508]
Paano tayo dapat makitungo sa sangnilikha?
Tinutupad natin ang atas ng Diyos tungkol sa sangnilikha kapag pinangangalagaan at pinapanatili natin ang mundo kabilang ang mga batas nito, ang iba’t ibang uri ng buhay dito, ang natural na kagandahan at ang napagpapanibagong mapagkukunan, bilang isang tirahan, upang ang mga darating na henerasyon ay mabuhay nang maayos sa lupa.
Sinasabi sa aklat ng Genesis: “Maging mabunga kayo at magparami, punuin ninyo ang lupa at kayo ang makapangyari rito. Kayo ang makapangyari sa mga isda sa dagat at mga ibon sa langit, sa bawat buhay na hayop na gumagalaw sa lupa” (Gen 1:28). Ang “paghahari sa ibabaw ng lupa” ay hindi nangangahulugang ganap na karapatang nagpapahintulot na pagpasiyahan ang kalikhasang may buhay at walang buhay, mga hayop at halaman. Ang pagiging nilikha sa larawan ng Diyos ay nangangahulugang dapat pangalagaan ng tao ang nilikha ng Diyos bilang pastol at tagapag-ingat nito. Dahil nasasaad din: “Kinuha ni Yawe-Diyos ang Tao at inilagay sa hardin ng Eden upang bungkalin at alagaan iyon” (Gen 2:15). [Youcat 436]
Paano tayo dapat makitungo sa mga hayop?
Ang mga hayop ay pareho nating mga nilalang na dapat nating mahalin at ikatuwa, kung paanong ang Diyos mismo ay natutuwa sa kanilang pagiging naririyan.
Kahit ang mga hayop ay mga nilalang ng Diyos na nakakaramdam. Isang kasalanan ang pahirapan sila, hayaan silang magdusa at patayin sila nang walang kadahilanan. Gayunpaman, hindi dapat higit na mahalin ng isang tao ang hayop kaysa sa kapwa tao. [Youcat 437]
Ang unang pag-aalala sa "Panalangin ng Panginoon" ay ang pangalan ng Diyos ay dapat luwalhatiin, na ang kanyang Kaharian ay dumating, na ang kanyang kalooban ay dapat gawin. Kung iyon ang ating prayoridad, lahat ng iba pa ay ibibigay sa atin bukod. Ang pag-unlad sa agham, ekonomiya, samahang panlipunan at kultura ay hindi magnanakaw sa ating sangkatauhan, ngunit makikita ang pagmamahal na nag-iisa na nagbibigay buhay, kahulugan at kagalakan sa ating mga pagsisikap ng tao. [Pope John Paul II, Homily in Tromsø, 2 June 1989]