DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:4.8 Ano ang ugnayan ng pananampalataya at gawa?
next
Next:4.10 Bakit ang ilang mga Kristiyano ay mapagpaimbabaw?

4.9 Mahalaga pa rin ba ang Sampung Utos?

Pamumuhay ng isang Kristiyano

Naglalaman ang Sampung Utos ng napaka-pangkalahatang mga patakaran ng pag-uugali na maaaring sumang-ayon ang karamihan sa mga tao, lalong-lalo na sa mga huling pitong utos.   Ang unang tatlong utos ay tungkol sa iyong kaugnayan sa Diyos .  Ang pang-apat hanggang ika-sampung utos ay tungkol sa iyong kaugnayan sa ibang mga tao.

Ang Sampung Utos ay inilaan upang matulungan kang mabuhay sa isang tunay na paraan ng tao, para hindi mo makalimutan kung sino ka talaga.  Sa ganitong paraan mananatili ka ring malapit sa Diyos, na lumikha sa iyo.  Sa #TwGOD app, mahahanap mo ang Sampung Utos sa bahagi na naglalaman ng karaniwang mga pagbabalangkas ng pananampalatayang Katoliko (mga panalangin ng Katoliko).

Ang Sampung Utos ay nagtuturo kung paano mahalin ang Diyos at kapwa, sa pamamagitan ng kusang pag-aalok ng isang bagay ng iyong sarili sa iba.
The Wisdom of the Church

Ano ang "Sampung Utos"?

  1. Ako ang Panginoon mong Diyos. Huwag kang magkaroon ng ibang diyos maliban sa Akin.
  2. Huwag mong ipahamak na ipanumpa ang pangalan ng Diyos.
  3. Ipangilin mo ang araw ng Panginoon → araw ng Pamamahinga (Linggo).
  4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
  5. Huwag kang papatay.
  6. Huwag kang mangangalunya.
  7. Huwag kang magnakaw.
  8. Huwag kang magbintang o manirang puri sa iyong kapwa at huwag kang magsisinungaling.
  9. Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa.
  10. Huwag kang magnasa sa hindi mo ari-arian.

[Youcat 349]

"Teacher, what good must I do to have eternal life?” (Matthew 19:16).

To the young man who asked this question, Jesus answered, “If you would enter into life, keep the commandments”, and then he added, “Come, follow Me” (Matthew 19:16-21). To follow Jesus involves keeping the commandments. The law has not been abolished but man is invited to rediscover it in the Person of the divine Master who realized it perfectly in himself, revealed its full meaning and attested to its permanent validity. [CCCC 434]

Does the commandment of God, “You shall not make for yourself a graven image” (Exodus 20:3), forbid the cult of images?

In the Old Testament this commandment forbade any representation of God who is absolutely transcendent. The Christian veneration of sacred images, however, is justified by the incarnation of the Son of God (as taught by the Second Council of Nicea in 787AD) because such veneration is founded on the mystery of the Son of God made man, in whom the transcendent God is made visible. This does not mean the adoration of an image, but rather the veneration of the one who is represented in it: for example, Christ, the Blessed Virgin Mary, the Angels and the Saints. [CCCC 446]

What is forbidden by the fifth commandment?

The fifth commandment forbids as gravely contrary to the moral law:

  • direct and intentional murder and cooperation in it;
  • direct abortion, willed as an end or as means, as well as cooperation in it. Attached to this sin is the penalty of excommunication because, from the moment of his or her conception, the human being must be absolutely respected and protected in his integrity;
  • direct euthanasia which consists in putting an end to the life of the handicapped, the sick, or those near death by an act or by the omission of a required action;
  • suicide and voluntary cooperation in it, insofar as it is a grave offense against the just love of God, of self, and of neighbor. One’s responsibility may be aggravated by the scandal given; one who is psychologically disturbed or is experiencing grave fear may have diminished responsibility.

[CCCC 470]

Although it says only “you shall not commit adultery” why does the sixth commandment forbid all sins against chastity?

Although the biblical text of the Decalogue reads “you shall not commit adultery” (Exodus 20:14), the Tradition of the Church comprehensively follows the moral teachings of the Old and New Testaments and considers the sixth commandment as encompassing all sins against chastity. [CCCC 493]

Ang Sampung Utos ba ay isang pagsasama-sama na nagkataon lamang?

Hindi. Ang Sampung Utos ay isang pagkakaisa. Ang isang utos ay kaugnay sa ibang utos. Hindi maaaring basta na lamang lumabag sa indibidwal na mga utos. Ang sinumang lumabag sa isang utos, ay lumalabag sa buong kautusan.

Ito ang natatangi sa "Sampung Utos": ang buong buhay ng tao ay nakatala sa mga ito. Tayong mga tao ay parehong nakatuon sa Diyos (Utos 1-3) at sa ating kapwa tao (Utos 4-10); tayo ay mga relihiyoso at panlipunang nilalang. [Youcat 350]

Palagi bang kasalanan laban sa unang Utos ang ateismo?

Ang → ateismo ay hindi isang kasalanan kapag ang tao ay walang karanasan sa Diyos o kaya'y ang mga katanungan tungkol sa Diyos ay hindi kayang paniwalaan matapos suriin sa kanyang konsiyensiya.

Hindi malinaw ang linya sa pagitan ng hindi-kayang-maniwala sa hindi-nais-maniwala. Ang paninindigan na nagsasantabi sa pananampalataya bilang hindi mahalaga nang hindi ito sinusuri nang maigi, ay kadalasang mas masahol kaysa sa sinadyang → ateismo. [Youcat 357]

Bakit ipinagbabawal ng Matandang Tipan ang mga larawan ng Diyos at bakit tayong mga Kristoyano ay hindi na sumusunod dito?longer keep that commandment?

Upang mapangalagaan ang misteryo ng Diyos at hindi ito mapalitan ng larawan ng mga idolo, sinasabi ng Unang Utos: "Huwag kang gagawa ng inukit na diyus-diyosan o imahen ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa" (Ex 20:4). Dahil ang Diyos mismo ay nagbigay ng makataong mukha kay Jesuskristo, tinanggal ang pagbabawal sa mga larawan sa Kristiyanismo; sa mga Silangang Simbahan, kahit ang mga → Ikono ay itinuturing na banal.

Ang kaalaman ng mga ama ng Israel na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat (→ transendensiya) at higit na dakila sa lahat sa mundo ay nagpapatuloy pa rin sa Judaismo at sa Islam, kung saan, gaya ng dati, walang maaaring larawan ang Diyos. Sa Kristiyanismo, niluwagan ang pagbabawal sa mga larawan simula noong ika-apat na siglo bilang paggalang kay Kristo, at inalis noong Ikalawang Konsilyo ng Nicea (787). Simula ng pagkakatawang tao, ang Diyos ay hindi na ganap na hindi mailarawan; simula kay Jesus, maaari na tayong gumawa ng larawan ng Kanyang pagkatao: "Sa pagkakita sa Akin ninuman, ang Ama ang nakikita Niya" (Jn 14:9). [Youcat 358]

Bakit pinalitan ng mga Kristiyano ng Linggo ang Sabbat?

Pinalitan ng mga Kristiyano ang pagdiriwang ng → Sabbat sa pagdiriwang ng Linggo dahil si Jesukristo ay nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan sa araw ng Linggo. Ngunit ang "Araw ng Panginoon" ay mayroong mga elemento ng Sabbat.

May tatlong mahahalagang elemento ang Kristiyanong araw ng Linggo: 1. Nagpapaalala ito sa paglikha ng mundo at nagiging tagapamagitan ng makulay na pagtingin ng kabutihan ng Diyos sa panahon; 2. Nagpapaalala ito sa "ikawalong araw ng paglikha," noong pinapagbago ang mundo kay Kristo (gaya ng sinasabi ng isang panalangin sa Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay: "Sa Iyong kagandahang-loob kami'y Inyong nilikha at sa Iyong pagtatangkilik kami'y Iyong pinadakila"); 3. Tinatalakay nito ang motibo ng pahinga, hindi lamang para gawing banal ang pagpuputol sa pagkakasunod-sunod ng araw ng trabaho, kundi upang ituro ngayon pa lang ang walang hanggang pahinga ng tao. [Youcat 364]

Paano ginagawang "Araw ng Panginoon" ng mga Kristiyano ang Linggo"?

Ang isang Kristiyanong Katoliko ay nagsisimba tuwing Linggo o kaya'y sa gabi bago mag-Linggo. Hindi niya ginagawa sa araw na ito ang anumang trabaho na makakapigil sa kanya na sumamba sa Diyos at makasisira sa karakter ng pagdiriwang, kagalakan, kapahingahan at pagpapagaling.

Dahil ang Linggo ay isang paulit-ulit na lingguhang pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nagtitipon-tipon ang mga Kristiyano sa araw na ito simula pa noong unang panahon, upang ipagdiwang ang kanilang Tagapagligtas, pasalamatan Siya at muling makipag-isa sa Kanya at sa iba pang naligtas. Kaya isang pangunahing tungkulin ng bawat nakakaalam na Kristiyanong Katoliko na gawing "banal" ang Linggo at ang iba pang pagdiriwang ng Simbahan. Maaari lamang hindi obserbahan ito kapag may kailangang-kailangang obligasyon sa pamilya at mahalagang panlipunang tungkulin. Dahil ang pakikibahagi sa lingguhang → Eukaristiya ay pangunahin para sa isang Kristiaynong pamumuhay, malinaw na sinasabi ng Simbahan na isang mabigat na kasalanan ang hindi pagdalo sa Misa tuwing Linggo nang walang mabigat na dahilan. [Youcat 365]
 

This is what the Popes say

Hindi nakakagulat ... na ang Pakikipagtipan ng Diyos sa kanyang bayan ay malapit na maiugnay sa pananaw ng buhay, at sa sukat din ng katawan ... Ang nakataya ay ... ang mundo ngayon at ng hinaharap, at ang pagkakaroon ng lahat ng sangkatauhan. Sa katunayan, ganap na imposible para sa buhay na manatiling tunay at kumpleto sa sandaling ito ay mawalay mula sa kabutihan; at ang mabuti, ay mahalagang nakasalalay sa mga utos ng Panginoon, samakatuwid nga, sa "batas ng buhay" (Sir 17:11). [Pope John Paul II, Evangelium Vitae, n. 48]