3.21 Ano ang mga pinakamahalagang lugar sa isang simbahan?
Tatlong bagay ang may mahalagang papel sa Misa na binigyan sila ng permanenteng lugar sa loob ng simbahan. Ang dambana ay may pangunahing/gitnang posisyon sa simbahan at ang simbolo ni Hesus, ang ‘buhay na bato’ kung saan itinayo ang Iglesya(I Pedro 2:4)I Pedro 2:4: “Lumapit kayo sa kanya, sa batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin.”..
Ang ambo o lectern ay ang lugar kung saan binabasa natin mula sa Bibliya, ang Salita ng Diyos [> 1.10]. Ang upuan ng Nagdiriwang ng Misa (karaniwang isang pari) ay binibigyan din ng isang espesyal na lugar. Sa panahon ng liturhiya, ang nagdiriwang ay kumakatawan sa Diyos sa mga tao [> 3.41], at kinakatawan ang mga tao sa Diyos. Sa labas ng Misa, ang pinakamahalagang lugar ay nakalaan para sa tabernakulo, ang magandang kaha kung saan napanatili ang "tinapay", ang mga Ostia na Katawan ni Hesus [> 3.48].
Anong mga liturhikal na lugar ang nagmamarka sa tirahan ng Diyos?
Ang sentral na lugar ng isang tirahan ng Diyos ay ang altar kasama ang krus, ang → tabernakulo, ang silya ng tagapagdiwang, ang ambo, ang pinagbibinyagan at ang kumpisalan.
Ang Altar ang pinakasentro ng simbahan. Dito'y nagiging naririyan sa pagdiriwang ng Eukaristiya ang pag-aalay sa krus at ang muling pagkabuhay ni Jesukristo. Ito rin ang mesa kung saan inaanyayahan ang bayan ng Diyos. Ang → tabernakulo, isang uri ng banal na taguan, ay binabahay na may pinakamalaking karangalan sa isang pinakakarapat-dapat na lugar sa simbahan ang tinapaay ng Eukaristiya, kung saan ang Panginoon mismo ay naroroon. Ipinapakita ng tinatawag na ilaw na magsawalang hanggan o sancto light na "may laman" ang tabernakulo. Sinasabi na nakaangat na silya (Latin, cathedra) ng → obispo o ng → pari na sa huli, si Kristo ang gumagabay sa komunidad. Ang Ambo (Griyego, anabainein = umakyat), ang pulpito para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos, ay dapat kilalanin ang halaga at karangalan ng mga pagbasa mula sa Biblia bilang Salita ng Diyos na buhay. Ang pinagbibinyagan o baptismal font, at ang lagayan ng tubig na pambasbas ay dapat panatilihing gising ang pag-aalaala sa ating mga pangako sa binyag. Ang isang kumpisalan ay naririyan upang maikumpisal ang mga kasalanan at makatanggap ng kapatawaran. [Youcat 191]
Ang espesyal na pansin ay dapat ibigay sa ambo bilang liturhikanong lugar na kung saan ipinapahayag ang salita ng Diyos. Dapat itong matatagpuan sa isang malinaw at nakikita na lugar kung saan ang atensyon ng mga tao ay natural na nakukuha sa panahon ng liturhiya ng Salita ng Diyos. Dapat itong matatag, at palamutihan ng kaaya-aya sa dambana, upang maipahiwatig ang teolohikal na kahalagahan ng dobleng mesa ng Salita at ng Eukaristiya. Ang mga pagbasa, ang Salmong Tugunan at ang Exsultet ay dapat ipahayag mula sa ambo; maaari din itong gamitin para sa homiliya at mga Panalangin ng Bayan. [Pope Benedict, Verbum Domini, n. 68]