DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:5.20 Aling mga santo ang maaari kong dalanginan sa ilalim ng isang krisis? Kanino ako maaaring manalangin sakali mang may pagkahawa o pagkamatay?
next
Next:1.2 Ngunit, walang halong biro, lahat ba ng tungkol kay Adan at Eba ay totoong nangyari?

1.1 Hindi ba pinasisinungalingan ng Teoryang Big Bang ang pananalig sa Diyos?

Paglikha o nagkataon?

Sa palagay ng ilang tao, ang Simbahan ay laban sa siyensa at nararapat ding itanggi ng mga Kristiyano ang Teoryang Big Bang. Ito ay taliwas sa katotohanan!

Ang Teoryang Big Bang ay unang inimungkahi ng isang Katolikong pari, Georges Lemaître (†1966), kung saan siya ay nakatanggap ng opisyal na pagkilala mula sa Simbahan. Ang ideya ng Teoryang Big Bang ay lubhang nakikiayon sa paniniwala na ang Diyos ang lumikha ng mundo ‘ex nihilo’ (mula sa wala).

Hindi isinasantabi ng Teoryang Big Bang ang pananalig sa Diyos. Bagkus, mapapaniwalaan ito bilang simula ng paglikha ng Diyos sa sansinukob.


The Wisdom of the Church

How did God create the universe?

God created the universe freely with wisdom and love. The world is not the result of any necessity, nor of blind fate, nor of chance. God created “out of nothing” (ex nihilo) (2 Maccabees 7:28) a world which is ordered and good and which he infinitely transcends. God preserves his creation in being and sustains it, giving it the capacity to act and leading it toward its fulfillment through his Son and the Holy Spirit. [CCCC 54]

Isa bang produkto ng pagkakataon ang mundo?

Hindi. Ang Diyos ang pinagmulan ng mundo at hindi ang pagkakataon. Hindi ito produkto ng isang “walang saysay” na paggalaw na mga bagay-bagay, maging sa kanyang pinagmulan at pati na rin pagdating sa Kanyang panloob na kaayusan at kapakinabangan.

Naniniwala ang mga Kristiyano na maaari nilang mabasa ang sulat-kamay ng Diyos sa Kanyang nilikha. Ito ang kasagutan ni Papa Juan Pablo II noong 1985 sa mga siyentipiko na sa kabuuan ay pinag-usapan ang mundo bilang isang prosesong nagkataon, walang kabuluhan at walang patutunguhan: “Sa harap ng isang daigdig kung saan makikita ang isang tila kumplikadong organisasyon sa mga elemento nito at isang lubhang kamangha-manghang kapakinabangan sa buhay nito, ang sabihin na ito’y nagkataon lamang ay katumbas na rin sa pagsuko sa paghahanap ng paliwanag tungkol sa mundo gaya nang nakikita natin ito. Sa katunayan ito ay magiging katumbas ng pagtanggap sa mga epekto na walang dahilan. Ito ay nangangahulugang pagsuko sa pang-unawa ng tao, na sa ganitong paraan ay pag-iwas sa pag-iisip at paghahanap ng solusyon sa mga problema.” [Youcat 43]

This is what the Church Fathers say

Ito ang sinasabi ng mga Ama ng Simbahan

Ito ang likas na katangian ng mga bagay na nagmula upang makuha ang kanilang pinagmulan mula sa mayroon nang umiiral. At tila sa akin na masasabing may pantay na katotohanan, na walang walang hanggan na magkakasama sa Diyos na naiiba sa kanyang sarili, ngunit ang anumang mayroon ay nagmula sa kanya. [St. Methodius, On Free Will, Chap. 2 (ML 18, 244)]