DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.32 Ano ang Inkisisyong Kastila?
next
Next:2.34 Bakit ang Simbahan ay nagmalupit sa mga Katutubong Amerikano?

2.33 Ano ang nangyari sa simula ng Renaissance?

Patungo sa Repormasyon

Noong ika-labintatlo at ika-labing apat na siglo nagkaroon ng malaking pagkalito tungkol sa pagkakakilanlan sa tunay na papa, dahilsabay-sabay inangkin ng maraming tao na sila ay papa. Kinailangang umabot sa 1417 para ang lahat ng partido ay kilalanin si Martin V bilang tunay na papa.

Ang mga papa ay nagsimulang mag-ipon ng mas marami pang kayamanan at mamuhay ng mga makamundong buhay. Dahil sa mga problemang ito ang Simbahan ay nagkaroon ng matinding pangangailangan ng panibagong atensyon sa tunay na pagsunod kay Jesus, na nangyari sa isang maliit na paraan. Subalit noong Renaissance, madalas na ang tao ang naging sentro ng atensyon sa halip na ang Diyos. Nakalulungkot, ito ay minsang nasasalamin din sa pamunuan ng Simbahan.

Ang Renaissance ay naka-sentro sa tao (kinalimutan ang Diyos?). Kagaya noong Edad Medya, ang mga lider ng Simbahan ay mahina minsano masama.
This is what the Popes say

[Ang iskolar] Duns Scotus ay inilayo ang kanyang sarili mula sa Paris, matapos ang isang seryosong pagtatalo sa pagitan nina Haring Philip IV the Fair at Pope Boniface VIII, sa halip na pirmahan ang isang dokumento na pagalit sa Korte Suprema habang hiniling ng Hari ang lahat ng relihiyoso, mas sangayon sa kusang pagtapon... Inaanyayahan tayo ng pangyayaring ito na alalahanin kung gaano kadalas sa kasaysayan ng mga mananampalataya sa Iglesia ang nakatagpo ng poot at nakaranas pa ng pag-uusig dahil sa kanilang katapatan at debosyon kay Cristo, sa Iglesya at sa Papa. Tayong lahat ay may paghanga sa mga Kristiyanong ito na nagtuturo sa atin na pahalagahan bilang isang mahalagang mabuting pananampalataya kay Cristo at pakikipag-isa sa Kahalili ni Pedro, samakatuwid sa pandaigdigang Iglesya. Gayunman, ang pakikipagkaibigan sa pagitan ng Hari ng Pransya at ng Kahalili ng Boniface VIII ay naibalik sa madaling panahon at noong 1305 na si Duns Scotus ay nakabalik sa Paris upang mag-aral tungkol sa teolohiya. [Pope Benedict XVI, General Audience, 7 July 2010]