2.27 Paano naging Katoliko ang Hilagang Europa?
Sa simula ng ika-limang siglo AD, ipinalaganap niSan Pablo ang ebanghelyo mula sa Inglatera hanggang Ireland, kung saan ang umuunlad na monastikong komunidad ay nabuo. Ipinangaral naman ng mga komunidad na ito ang ebanghelyo sa Ekosya at sa pinakakontinento ng Europa.
Sa bandang huli ng ika-anim na siglo, nagpadala si Papa Gregoriong Dakila ng mga misyonero sa Hilagang Europa, kasama ang mga Mababang Bansa. Ang pananampalataya sa Hilagang Europa ay naimpluwensiyahan ng mga misyonerong Irlandes at Ingles na tumawid ng dagat papuntang punong-lupain sa ika-pito at ika-walong siglo, kagaya ni San Willibrord at San Boniface.
Ang paggunita ng nagtatag ng Simbahan sa Netherlands ay nagpakita ng kanyang dakilang mga katangian: Kristiyano, monghe, misyonero, obispo, santo. Iniwan niya ang lahat upang maikalat ang pananampalataya kay Cristo, upang maiparating ang mabuting balita sa mga tao na hindi pa naririnig ito dati… Sumulat si Saint Willibrord tungkol sa kanyang sarili: "Ngayon ay masaya siyang nabubuhay sa pangalan ng Diyos sa taong 728 pagkatapos ng pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo ". [John Paul II, Homily, 8 Nov. 1990]