2.31 Bakit nagkaroon ng mga bayolenteng Mga Krusada?
Ang orihinal na ideya sa likod ng mga Krusada ay upang protektahan ang mga Kristiyano sa Holy Land at ang mga peregrino sa kanilang daan papunta sa mga banal na lugar laban sa karahasan at pang-aapi ng mga Muslim [>1.14].
Gayunpaman, ang mga Nagkukrusada ay gumagamit minsan ng sobrang dahas. Madalas, pagkawasak at nakawan ang nangyayari sa ilalim ng balatkayo ng isang Krusada. Walang maaaring katwiran sa ganoong mga bagay! Noong 2001, sinabi niPapa Juan Pablo II [>2.50]: “Para sa lahat ng beses na ang mga Muslim at Kristiyano ay nagsakitan sa isa’t-isa, tayo ay dapag humingi ng kapatawaran ng Diyos at tayo ay dapat na magpatawad sa isa’t-isa.”
Ang Diyos na hinahangad nating paglingkuran ay isang Diyos ng kapayapaan. Ang Kanyang banal na Pangalan ay hindi dapat gamitin upang bigyan katwiran ang poot at karahasan ... Kadalasan, ang mga kabataan ay binabago sa pangalan ng relihiyon upang maghasik ng hindi pagkakasundo at takot, at upang mapunit ang mismong tela ng ating mga lipunan. Gaano kahalaga na makita tayo bilang mga propeta ng kapayapaan, mga tagapayapa na nag-aanyaya sa iba na manirahan sa kapayapaan, pagkakaisa at respeto sa kapwa! Nawa'y hawakan ng Makapangyarihang Diyos ang mga puso ng mga nagsasagawa ng karahasang ito, at ibigay ang kanyang kapayapaan sa ating mga pamilya at pamayanan. [Pope Francis, Ecumenical and interreligious meeting in Nairobi, 26 Nov. 2015]