2.3 Sino ang “nakaupo” sa Upuan ni San Pedro, ang Santa Sede?
Ang Apostol San Pedro ay ang unang Papa. Ang kasalukuyang Papa ay ang kanyang kahalili [>2.17] at siya, samakatuwid, ay “nakaupo” sa “upuan” ni San Pedro (sa makasagisag na pananalita). Subalit sa kasanayan, ang Santa Sede ay hindi isang upuan kundi ang pamahalaang sentral ng Simbahan.
Pinapanatili ng Santa Sede ang kaugnayan sa mga diyosesis at ng Simbahan sa buong mundo. Ang Lungsod ng Vatican [>2.6] ay isang maliit na estado na kinakatawang diplomatiko [>2.8] ng Santa Sede sa maraming estado. Dahil sa natatangi nitong diplomatikong posisyon, maaaring magkaroon ang Simbahan ng positibong papel, kagaya ng sa mga usapang pangkapayapaan.
What is the mission of the pope?
The pope, bishop of Rome and the Successor of Saint Peter, is the perpetual, visible source and foundation of the unity of the Church. He is the vicar of Christ, the head of the College of bishops and pastor of the universal Church over which he has by divine institution full, supreme, immediate, and universal power. [CCCC 182]
Ano ang tungkulin ng Santo Papa?
Bilang kahalili ni San Pedro at pinuno ng kolehiyo ng mga obispo, ang → Santo Papa ang tagapanagot ng pagkakaisa ng → Simbahan. Siya ang pinakamataas na pastoral na kapangyarihan at kataas-taasang awtoridad pagdating sa pagdesisyon sa pagtuturo at pagdidisiplina.
Binigyan ni Jesus si Pedro ng isang natatanging pangingibabaw sa pagitan ng mga → Apostol. Dahil rito, siya ang kataas-taasang awtoridad ng sinaunang Simbahan. Ang → Roma na lokal na Simbahan na pinamumunuan ni Pedro at ang lugar ng kanyang pagkamartir ay naging panloob na palatandaan ng batang Simbahan pagkatapos ng kanyang kamatayan. Dapat tumugma ang bawat komunidad sa Roma; iyon ang sukatan ng tama, kumpleto at walang dungis na apostolikong pananampalataya. Magpahanggang ngayon, ang bawat → Obispo ng Roma, gaya ni Pedro, ay punong pastol ng Simbahan, na ang tunay na pinuno ay si Kristo. Sa ganitong tungkulin lamang "kinatawan ni Kristo sa lupa" ang → Santo Papa. Bilang pinakamataas na awtoridad sa pastoral na pangangalaga at pagtuturo, binabantayan niya ang walang dungis na pagpasa ng pananampalataya. Kung kinakailangan, dapat niyang bawiin ang mga tungkulin sa pagtuturo o tanggalin sa posisyon ang mga paring opisyal na may mga seryosong kasalanan sa mga bagay ng pananampalataya at moralidad. Ang pagkakaisa sa mga katanungan ng pananampalataya at moralidad na ginagarantiya sa pamamagitan ng → Magisterium na pinamumunuan ng Santo Papa, ay bumubuo ng isang bahagi ng katatagan at karisma ng Simbahang Katolika. [Youcat 141]
Tulad ng hindi pagsunod sa ibang pinuno maliban kay Cristo, sa gayon ang ddi nakikipag-usap sa iba maliban sa iyong pagpapala, iyon ang nasa upuan ni Pedro. Alam ko, na sa batong ito kung saan itinayo ang Simbahan! Ito ang nagiisang bahay kung saan ang tupang pampaskuwa ay maaaring tamang kainin. Ito ang arko ni Noe, at siya na hindi masusumpungan dito ay mapahamak kapag mananaig ang baha. [St. Jerome, Letters, No. 15 (ML 22, 355)]