All Questions
prev
Previous:1.18 Ano ang iba’t ibang bahagi ng Bagong Tipan?
next
Next:2.1 Ano ang simbahan? Sino ang nasa Simbahan?

1.19 Dapat ba ako sumunod sa lahat ng alituntunin ng Bibliya?

Pagbabasa ng Bibliya

Hindi bumaba sa lupa si Hesus para pawiin ang bisa ng mga kautusan ng Lumang Tipan, bagkus bigyan katuparan ang mga ito.  Nagbibigay ng bagong liwanag ang Bagong Tipan sa Lumang Tipan. May mga kautusan sa Bibliya na hindi na angkop dahil binigyan tayo ni Hesus ng mas mataas na batas, na nakabatay sa pag-ibig sa kapwa. Halimbawa, sinabi ni Hesus na mas mabuti ang pag-ibig sa kapwa kaysa sa paghihiganti kung may nangyaring masama sa atin.

Ang ibang batas, tulad ng Sampung Utos, ay nananatiling may bisa. Ang Simbahan, sa patnubay ng Banal na Espiritu, ay tinutulungan tayong matanto kung aling batas ang may kapit pa rin sa atin at alin ang wala na.

→ Basahin ang karagdagan sa aklat

 

Nagbibigay ng bagong kaunawaan ang Bagong Tipan sa Luma: may mga inalis na alintuntunin at may mga muling pinagtibay. Pag-ibig ang pangunahing kautusan.
The Wisdom of the Church

Why does Sacred Scripture teach the truth?

Because God himself is the author of Sacred Scripture. For this reason it is said to be inspired and to teach without error those truths which are necessary for our salvation. The Holy Spirit inspired the human authors who wrote what he wanted to teach us. The Christian faith, however, is not a “religion of the Book”, but of the Word of God – “not a written and mute word, but incarnate and living” (Saint Bernard of Clairvaux). [CCCC 18]

Paano magiging “katotohanan” ang Banal na Kasulatan, samantalang hindi naman lahat ng nakasaad rito ay tama?

Hindi nais ipabatid sa atin ng → Biblia ang katumpakan ng kasaysayan o pang-agham na mga natuklasan. Pati ang mga may-akda ay bunga ng kanilang kapanahunan. Ibinahagi nila ang kultural na representasyon ng kanilang mundo at kung minsan ay naaresto rin para sa kanilang mga pagkakamali. Ngunit lahat ng dapat malaman ng tao tungkol sa Diyos at sa pamamaraan ng Kanyang pagtubos ay makikita sa Banal na Kasulatan nang may kasiguruhan na hindi maaaring magkamali. [Youcat 15]

What is the unity that exists between the Old and the New Testaments?

Scripture is one insofar as the Word of God is one. God’s plan of salvation is one, and the divine inspiration of both Testaments is one. The Old Testament prepares for the New and the New Testament fulfills the Old; the two shed light on each other. [CCCC 23]

Ano ang kahalagahan ng Matandang Tipan para sa mga Kristiyano?

Sa → Matandang Tipan, ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili bilang tagapaglikha at tagapanustos ng daigdig, at bilang tagagabay at tagapagturo ng tao. Pati ang mga aklat ng Matandang Tipan ay salita ng Diyos at Banal na Kasulatan. Hindi maiintindihan si Jesus kung wala ang Matandang Tipan.

Nagsimula sa → Matandang Tipan ang isang dakilang kasaysayan sa pag-aaral ng pananampalataya, na sa → Bagong Tipan ay magiging isang mapagpasyang punto, na maabot ang kanyang layunin sa katapusan ng mundo at sa muling pagbabalik ni Kristo. Ipinapakita nito na ang Matandang Tipan ay higit pa sa isang pasimula lamang para sa Bagong Tipan. Ang mga utos at mga propesiya para sa mga tao ng Matandang Tipan at ang mga pangako na nakapaloob rito para sa lahat ng tao ay hindi kailanman binawi. Sa mga aklat ng Matandang Tipan ay makikita ang isang hindi mapapalitang kayamanan ng mga dasalin at karunungan, lalo na ang Mga Salmo na nabibilang sa pang-araw-araw na panalangin ng Simbahan. [Youcat 17]
 

Ano ang kahalagahan ng Bagong Tipan para sa mga Kristiyano?

Sa → Bagong Tipan ay makikita ang kaganapan ng → Pagbubunyag ng Diyos. Ang apat na Ebanghelyo ayon kina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay ang puso ng Banal na Kasulatan at ang pinakamahalagang kayamanan ng Simbahan. Ipinapakita sa mga ito ang Anak ng Diyos, kung ano Siya at kung paano Niya tayo nakatagpo. Matututunan natin sa Mga Gawa ng mga Apostol ang pagsisimula ng Simbahan at mga gawa ng Espiritu Santo. Sa Aklat ng Pagbubunyag makikita natin ang katapusan ng panahon.

Si Jesus ang lahat ng nais sabihin sa atin ng Diyos. Isang paghahanda para sa pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos ang buong → Matandang Tipan. Kay Jesus makikita ang pagsasakatuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Ang maging Kristiyano ay nangangahulugan ng mas malalimang pagkakaisa sa buhay ni Kristo. Dapat basahin at isabuhay ang mga Ebanghelyo para sa layuning ito. Sinabi ni Madeleine Delbrêl, “Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sinasabi sa atin ng Diyos kung ano Siya at ano ang ninanais Niya; sinasabi Niya ito nang tiyak at sinasabi Niya ito sa bawat araw. Kapag hawak natin ang Ebanghelyo sa ating mga kamay, kinakailangan nating isipin na nabubuhay rito ang Salita na nais magkatawang tao sa atin, na nais tayong kapitan upang panibago nating masimulan ang Kanyang buhay sa isang panibagong lugar, isang panibagong panahon, isang panibagong kapaligiran ng tao.” [Youcat 18]

This is what the Church Fathers say

Ang ating Panginoong Hesukristo, tulad ng sinabi niya mismo sa Ebanghelyo, ay napasailalim sa atin ng kanyang pamatok at pasanin, na magaan. Samakatuwid, inilagay niya sa lipunan ng kanyang bagong bayan ang obligasyon ng ... anumang pinupuri sa mga kanonikal na sulatin, maliban sa mga pasaning iyon na matatagpuan sa limang mga aklat ni Moises, na ipinataw sa mga sinaunang tao ang isang pagkaalipin na naaayon kasama ang kanilang pagkatao at mga makahulang panahon na kanilang pamumuhay.
[St. Augustine, Letters, No. 54 (ML 33, 200)]