DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:4.9 Mahalaga pa rin ba ang Sampung Utos?
next
Next:4.11 Bakit may sariling mga batas ang Simbahan?

4.10 Bakit ang ilang mga Kristiyano ay mapagpaimbabaw?

Pamumuhay ng isang Kristiyano

Una sa lahat, mahalagang mapagtanto na walang sinuman ang perpekto at malaya sa kasalanan, maliban kina Hesus at Maria.  Ang mga Kristiyano ay gumagawa din ng mga kasalanan, at mahalaga para sa bawat isa sa atin na huwag lamang ipagmalaki ang ating mabubuting gawa.

Sa kabaligtaran, ang isang mabuting Kristiyano ay isang taong may kamalayan sa kanyang pagiging makasalanan at patuloy na sumusubok na mabuhay sa pagsuko sa Diyos. Kapag naunawaan mo lamang ito ay saka mo maiintindihan kung ano ang ibig sabihin na si Hesus ay dumating upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan [>1.26].

Maliban kina Hesus at Maria, walang sinuman ang walang kasalanan. Ngunit pwede nating subukan ang ating makakaya upang mabuhay ng banal na buhay sa tulong ng biyaya ng Diyos.
The Wisdom of the Church

Ano ang "Limang Utos ng Simbahan"?

1) Pagdalo sa Misa tuwing Linggo at sa mga araw ng pangilin; ang pag-iwas sa trabaho o mga gawaing sinisira ang karakter ng araw na ito. 2) Pagtanggap ng Sakramento ng Kumpisal kahit minsan sa isang taon. 3) Pagtanggap ng Sakramento ng → Eukaristiya kahit sa Pasko ng Muling Pagkabuhay lamang. 4) Pag-obserba sa mga araw ng pag-aayuno at pangilin (Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo). 5) Pagsuporta sa mga materyal na pangangailangan ng Simbahan. [Youcat 345]


 

Bakit mayroong mga utos ng Simbahan at anong obligasyon ang hinihingi nito?

Nais ipaalala ng "Limang Utos ng Simbahan" sa kanyang kaunting mga pag-oobliga na hindi maaaring maging Kristiyano nang walang moral na pagsisikap, walang kongkretong pakikibahagi sa sakramental na buhay ng Simbahan at walang pakikiisang koneksyon sa kanya. Ang mga ito ay kinakailangan sa bawat Katolikong Kristiyano. [Youcat 346]


 

What are the human virtues?

The human virtues are habitual and stable perfections of the intellect and will that govern our actions, order our passions and guide our conduct according to reason and faith. They are acquired and strengthened by the repetition of morally good acts and they are purified and elevated by divine grace. [CCCC 378]

What are the principal human virtues?

The principal human virtues are called the cardinal virtues, under which all the other virtues are grouped and which are the hinges of a virtuous life. The cardinal virtues are: prudence, justice, fortitude, and temperance. [CCCC 379]

What is prudence?

Prudence disposes reason to discern in every circumstance our true good and to choose the right means for achieving it. Prudence guides the other virtues by pointing out their rule and measure. [CCCC 380]

What is justice?

Justice consists in the firm and constant will to give to others their due. Justice toward God is called “the virtue of religion.” [CCCC 381]

What is fortitude?

Fortitude assures firmness in difficulties and constancy in the pursuit of the good. It reaches even to the ability of possibly sacrificing one’s own life for a just cause. [CCCC 382]

What is temperance?

Temperance moderates the attraction of pleasures, assures the mastery of the will over instincts and provides balance in the use of created goods. [CCCC 383]

Bakit kinakailangan nating magsumikap pagbutihin ang ating sarili?

Kinakailangan nating magsumikap pagbutihin ang ating sarili upang malaya nating maisakatuparan ang kabutihan nang masaya at may kagaanan. Una ritong nakakatulong ang matatag na pananampalataya sa Diyos, ngunit pati na rin ang pagsasabuhay natin ng mga kabutihan, ibig sabihin, sa tulong ng Diyos, magsanay magkaroon ng matatag na pag-uugali, hindi magpadala sa mga bugso ng matinding damdamin at palagiang pagtuon sa kabutihan ng lakas ng ating pag-iisip at kalooban.

Ang pinakamahalagang mga kabutihan ay: mabuting pagpapasya, katarungan, katatagan ng loob, pagpipigil. Ang mga ito'y tinatawag ring "kardinal o pangunahing mga kabutihan" (Latin, cardo = bisagra ng pinto, o cardinalis = mahalaga). [Youcat 300]

Ano ang tatlong maka-Diyos o teolohikal na kabutihan?

Ang tatlong teolohikal na kabutihan ay pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Ang mga ito'y tinatawag na "teolohikal" dahil ang Diyos ang kanilang pangunahing taglay, tuwirang tumutukoy sa Diyos, at ang direktang paraan para sa ating mga tao upang makarating tayo sa Diyos. [Youcat 305]

This is what the Church Fathers say

Kung ang [isang tao], na nabuhay na muli at nabigyang katuwiran, ay bumabalik sa kanyang sariling kalooban sa masamang buhay, katiyakan na hindi niya masasabing, 'Hindi ako natanggap,' dahil sa kanyang sariling malayang pagpili sa kasamaan ay nawala sa kanya ang biyaya ng Diyos, na natanggap niya. [St. Augustine, On Rebuke and Grace, Chap. 6:9 (ML 44, 921)]