5.6 Hindi ako makakadalo sa Misa - Maaari ko pa bang matanggap ang grasya ng sakramento ng Diyos?
Sa kasalukuyan sa maraming lugar na sinalanta ng corona virus hindi posible o hindi mainam dumalo sa Misa. Kaya ano ang kahalili? Sa isang banda, ang Sakramento ng Eukaristiya [> 3.45] ay hindi maaaring mapalitan ng anupaman, dahil walang katulad nito. Sa kabilang banda, tulad ng isang pari na maaaring ipagdiwang ang Misa para sa iyong mga intensyon nang wala ang iyong presensya, maaari ka ring espiritwal na makipagunayan kay sa presensya ni Hesus sa Eukaristiya [> 3.48], 'mula sa malayo'.
Tinatawag natin itong espiritwal na Komunyon: ipinahayag mo ang iyong masigasig na pagnanais na tanggapin si Hesus, na makasama siya tulad ng nais niyang makasama ka sa Sakramento ng Eukaristiya. Napaka kapaki-pakinabang na "dumalo" sa isang “real-time” na pagdaraos ng Misa sa internet, telebisyon, o radyo. Walang itinakdang pormula [> 5.8] para sa paggawa ng isang espiritwal na Komunyon: ang iyong pagnanais na tanggapin si Hesus sa iyong buhay at puso ay ang pinakamahalaga upang makatanggap ng kanyang biyaya.