5.3 Paano ako lalago sa pananampalataya ngayon na napipilitan akong manatili sa bahay?
Ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa panahon ng krisis
Maaari magiging napaka-nakakabagabag kapag kailangan mong talikuran ang iyong pang-araw-araw na mga gawain at pilitin na manatili sa bahay sa lahat ng pagkakataon. Hindi ka maaaring dumalo sa Misa [> 5.6], o sa katesismo, o mangumpisal [> 5.7]… Sa kabutihang palad, ang Diyos ay palaging mas mahigit, at makikilala mo siya kahit saan! Narito ang ilang mga konkretong ideya:
- Humingi ng tulong sa Diyos sa pagtanggap sa mga bagay na hindi maiiwasan ng may mabuting kalooban at magpasya na maaari itong maging isang oras upang makipag-ugnay sa Diyos at sa iba sa isang bago at mapaghamong paraan. Huwag matakot na magtanong.
- Magbigay oras para sa pagdarasal [> 3.1] araw-araw. Ang Apendise 4 at 5 ng librong Tweeting with GOD [> bumili] at Manwal [> link] ay nagpapaliwanag kung paano manalangin gamit ang isang teksto sa Bibliya [> 3.8], at kung paano suriin ang iyong araw bago ka matulog. Sundin ang Misa o manalangin ng Rosaryo online.
- Basahin ang isang kabanata ng Bibliya araw-araw. Maaari kang magsimula sa Ebanghelyo ni Marcos, ang pinakamaikli sa lahat ng apat na Ebanghelyo [> 1.18]. O maaari mong basahin ang pang-araw-araw na mga teksto sa Bibliya sa Tweeting with GOD app [> link].
- Gumawa ng isang kawanggawa [> 4.45]: manalangin [> 3.1] para sa isang taong nangangailangan, tawagan ang isang malungkot na tao upang mangumusta, mag-ayos ng mga gamit sa pamimili para sa iyong kapwa, at maingat na pakitunguhan ang iyong mga kasama sa bahay.
- Magbasa ng isang kabanata sa aklat na Tweeting with GOD [> bumili] o app [> link] araw-araw. Kung maaari, pag-usapan ang iyong mga katanungan kasama ng iyong mga kasama sa bahay o kasama ng ilang mga kaibigan online.
Tanggapin ang bagong hamong ito nang may pananampalataya: manalangin, basahin ang Bibliya, mag kawanggawa, magtanong at maghanap ng mga sagot sa Tweeting with God.