4.21 Bakit pinipili ang buhay walang asawa kung ang mga tao ay ginawa para sa kasal?
Ang pag-aasawa at buhay walang asawa ay dalawang paraan kung saan ang isang Kristiyano ay maaaring sumunod sa utos ng Diyos na maging mabunga (Gen. 1:28)Gen. 1:28: "at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa”.. Sa pag-aasawa ang isang lalaki at isang babae ay nakatuon ang kanilang sarili sa bawat isa sa pag-ibig [>4.19].
Sa buhay walang asawa ang isang tao ay inilalaan ang kanyang sarili lamang sa pag-ibig ng Diyos, nang hindi nakikipagtalik.
Salamat sa pangakong ito, ang isang taong walang asawa ay handa na gawin kung ano ang hinihiling sa kanya ng Diyos, anumang oras at saanman. Ang mga relihiyosong ama, mga kapatid na lalaki at mga babae na nag-aalay ng kanilang sarili sa Diyos ay nakahahanap ng totoong kaligayahan sa kanilang buhay. Maaari mong isaalang-alang ito bilang unang karanasan ng langit [>1.45], kung saan wala nang ikakasal.
How are the people of God formed?
Among the faithful by divine institution there exist sacred ministers who have received the sacrament of Holy Orders and who form the hierarchy of the Church. The other members of the Church are called the laity. In both the hierarchy and the laity there are certain of the faithful who are consecrated in a special manner to God by the profession of the evangelical counsels: chastity or celibacy, poverty, and obedience. [CCCC 178]
What is the consecrated life?
The consecrated life is a state of life recognized by the Church. It is a free response to a special call from Christ by which those consecrated give themselves completely to God and strive for the perfection of charity moved by the Holy Spirit. This consecration is characterized by the practice of the evangelical counsels. [CCCC 192]
What can the consecrated life give to the mission of the Church?
The consecrated life participates in the mission of the Church by means of a complete dedication to Christ and to one’s brothers and sisters witnessing to the hope of the heavenly Kingdom. [CCCC 193]
Is it necessary to be celibate to receive the sacrament of Holy Orders?
It is always necessary to be celibate for the episcopacy. For the priesthood in the Latin Church men who are practicing Catholics and celibate are chosen, men who intend to continue to live a celibate life “for the kingdom of heaven” (Matthew 19:12). In the Eastern Churches marriage is not permitted after one has been ordained. Married men can be ordained to the permanent diaconate. [CCCC 334]
Paano itinayo ang kaisa-isa, banal, katoliko at apostolikong Simbahan?
Sa Simbahan ay mayroong mga → Layko at → Pari. Lahat ng anak ng Diyos ay may parehong dangal. Sila ay may mga tungkuling magkakatumbas ngunit magkakaiba. Ang misyon ng mga layko ay ihanay ang buong mundo sa kaharian ng Diyos. Ang serbisyo ng paggabay, pagtuturo at pagpapakabanal sa Simbahan ay iniuugnay sa kanilang inordenahang mga ministro (Kleriko). Sa parehong katayuan ay mayroong mga Kristiyano na inilalaan ang kanilang sarili sa Diyos sa kalinisan (buhay na walang asawa), pagdaralita at pagtalima sa isang espesyal na paraan (halimbawa, ang mga relihiyoso at relihiyosa na nag-alay ng buhay sa Diyos).
Ang bawat Kristiyano ay may katungkulang magbigay saksi sa Ebanghelyo sa sarili nilang buhay. Ngunit may kanya-kanyang paraan ang Diyos sa bawat isa. Ipinapadala Niya ang isa bilang isang → Layko, upang maitayo nila ang kaharian ng Diyos sa gitna ng mundo ng pamilya at trabaho. Para magawa ito, ibinibigay ng Diyos sa kanila sa Binyag at → Kumpil lahat ng kinakailangang mga kaloob ng Espiritu Santo. Iniatas Niya sa iba ang tungkulin ng pagiging pastol; dapat nilang gabayan, turuan at pabanalin ang bayan ng Diyos. Ang tungkuling ito ay hindi maaaring italaga ninuman sa kanyang sarili; ang Panginoon mismo ang dapat magpadala sa kanya at, sa pamamagitan ng ordinasyon, magbigay ng Kanyang sariling banal na lakas para sa kanilang pagdaraanan. Sa gayong paraan ay maaari silang kumilos bilang kinatawan ni Kristo at mangasiwa ng mga → Sakramento. [Youcat 138]
Bakit nais ni Jesus na mayroong mga tao na panghabangbuhay na mabubuhay sa pagdaralita, kalinisan at pagtalima (poverty, chastity and obedience)?verty, unmarried chastity, and obedience?
Ang Diyos ay pag-ibig. Hinahangad din Niya ang ating pag-ibig. Isang anyo ng mapagmahal na pagbibigay sa Diyos ay ang mabuhay tulad ni Jesus - iyon ay: sa pagdaralita, kalinisan at pagtalima. Ang sinumang namumuhay nang gayon ay malaya ang isipan, puso at kamay para sa Diyos at sa tao.
Paulit-ulit na ganap na nagpasailalim ang indibidwal na mga tao kay Jesus upang maialay niya lahat para sa Diyos "alang-alang sa kaharian ng Langit" (Mt 19:12) - tulad ng napakagandang mga kaloob gaya ng sariling ari-arian, sariling pagpapasya at pag-ibig ng mag-asawa. Itong buhay ayon sa → Evangelical Counsels (pagdaralita, → Kalinisan at pagtalima) ay nagpapakita sa lahat ng mga Kristiyano na ang mundo ay hindi lahat-lahat. Ang pakikipagtagpo lamang sa banal na nobyo "nang harap-harapan" ang makakapagpasaya sa tao sa huli. [Youcat 145]
Bakit hinihingi ng Simbahan mula sa mga pari at obispo ang isang buhay na walang asawa?
Nabuhay nang walang asawa si Jesus at sa gayon ay nais Niyang ipahayag ang Kanyang buong-buong pag-ibig sa Diyos Ama. Ang pag-angkin sa paraan ng pamumuhay ni Jesus at mabuhay sa → kalinisan nang walang asawa "alang-alang sa kaharian ng Langit" (Mt 19:12) ay, simula pa noong panahon ni Jesus, isang tanda ng pag-ibig, ng walang kahating pagbibigay ng sarili sa Panginoon at ng ganap na kahandaang magsilbi. Iginigiit ito ng Simbahang Romano-Katolika mula sa kanyang mga → obispo at → pari, sa Simbahang Silangang-Katolika naman, mula lamang sa kanilang mga → obispo.
Sabi ni Papa Benito XVI na ang buhay na walang asawa ay hindi maaaring mangahulugang, "manatiling walang laman sa pag-ibig, kundi kailangan nitong mangahulagang maging bihag ng pag-ibig sa Diyos." Biglang isang nabubuhay ng walang asawa, ang → pari ay dapat maging mabunga dahil kumakatawan siya sa pagiging Ama ng Diyos at ni Jesus. Kasunod na sinabi ng Santo Papa: "Kinakilangan ni Kristo ng mga pari na ganap at tunay na lalaki, may kakayahang gampanan ang isang tunay na espirituwal na pagiging ama." [Youcat 258]
Sabihin sa aking mga kapatid sa pangalan ni Jesucristo na mahalin ang kanilang asawa tulad ng pag-ibig ng Panginoon sa Simbahan. Kung ang sinuman ay makakapagtiyaga sa kalinisan sa karangalan ng laman ng Panginoon, gawin niya ito sa buong pagpapakumbaba ... Gawin ang lahat sa kaluwalhatian ng Diyos. [St. Ignatius of Antioch, Letter to St. Polycarp (MG 5, 724)]