4.15 Ano ang isang santo?
Ang ilang mga Kristiyano ay namuhay sa isang tanging paraan na ang mga nakakilala sa kanila ay may pagkilalang nakakatagpo nila si Hesus mismo, sa gayon nasasabi. Ang kanilang ‘kabayanihang kagalingan’ ay hindi pangunahing matatagpuan sa mga bagay na sinabi o ginawa nila, ngunit sa kanilang kalakaran ng pamumuhay.
Para silang laging may ugnayan kay Hesus, sa lahat ng kanilang ginawa. Sa ganitong paraan pinayagan nila ang Banal na Espiritu [>1.31] na tulungan silang mabuhay bilang mabuting mga Kristiyano sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig [>1.32]. Naging halimbawa sila para sa lahat ng iba pang mga Kristiyano, at tinawag na ‘banal’ o ‘santo’.
Ano ang ibig sabihin ng "kasamahan ng mga banal"?
Nabibilang sa "kasamahan ng mga banal" ang lahat ng taong inilagay ang kanilang pag-asa kay Kristo at nabibilang na sa kanya sa pamamagitan ng binyag, sila may ay patay na o buhay pa. Kahit na tayo'y isang katawan kay Kristo, nabubuhay tayo sa isang komunidad na sakop ang langit at lupa.
Ang Simbahan ay mas malaki at mas masigla kaysa sa iniisip natin. Nabibilang sa kanya ang mga buhay at mga patay, sila man ay nasa proseso pa ng paglilinis sa purgatoryo o nasa kaluwalhatian na ng Diyos, kilala o hindi kilala, dakilang mga banal o mga taong hindi napapansin. Maaari nating tulungan ang isa't-isa kahit pagkatapos ng kamatayan. Maaari tayong manawagan sa mga santong ating kapangalan at sa mga paborito nating santo, at pati na rin sa ating mga yumaong kamag-anak na pinapipiwalaan nating nasa piling na ng Diyos. Sa kabilang dako, maaari nating matulungan ang ating mga yumaong nasa proseso pa ng paglilinis sa purgatoryo sa pamamagitan ng ating panalangin para sa kanila. Ang anumang ginagawa o pinagdurusahan ng isang indibidwal sa pamamagitan ni Kristo at para kay Kristo, ay para sa kapakinabangan ng lahat. Ngunit sa kasamaang palad, ibig din nitong sabihin na napipinsala ng bawat kasalanan ang komunidad. [Youcat 146]
Kinakailangan bang maging "banal" tayong lahat?
Oo. Ito ang kahulugan ng ating buhay, na tayo'y maging kaisa ng Diyos sa pag-ibig at ganap na tumutupad sa mga kagustuhan ng Diyos. Kailangan nating hayaan ang Diyos na "isabuhay ang Kanyang buhay sa atin" (Santa Teresa ng Calcutta). Ito ang ibig sabihin ng maging "banal".
Tinatanong ng bawat tao ang mga katanungang: Sino ako, bakit ako nandito, paano ko mahahanap ang aking sarili? Sinasagot ito ng pananampalataya: Sa → kabanalan lamang makikita ng tao ang tunay na pagkakaisa sa kanyang sarili at sa kanyang Tagapaglikha. Ngunit ang kabanalan ay hindi isang kaganapang ginagawa ng sarili kundi isang kaganapang ginagawa ng sarili kundi isang pag-iisa sa nagkatawang-taong pag-ibig na si Kristo. Ang sinumang nagtatamo ng bagong buhay ay makikita ang sarili at magiging banal. [Youcat 342]
Ipinahayag ng mga santo sa iba`t ibang paraan ang makapangyarihan at nagbabagong presensya ng Isang Muling Nabuhay. Pinayagan nila si Hesus na lubos na mapuno ang kanilang buhay na masabi nila kay St Paul na "hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin (Gal 2:20). Sumusunod sa kanilang halimbawa, na hinahangad ang kanilang pamamagitan, pagpasok sa pakikipag-ugnay sa kanila, inilalapit tayo kay Cristo, kaya ang ating pakikisama sa mga banal ay sumasali sa atin kay Cristo, na mula sa kanilang bukal at ulo ay naglalabas ng bawat biyaya at buhay ng Tao ng Diyos mismo [Pope Benedict XVI, General Audience, 13 Apr. 2011]