3.52 Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Latin at Byzantine Catholics?
Parehong magkatulad sa pananampalataya ang Latin at Byzantine Catholics. Pangunahin sa pagkakaiba-iba ay sa arkitektura ng simbahan, pang-araw-araw na kaugaliang Kristiyano, at ang paraan ng pagdiriwang ng pananampalataya at mga sakramento. Halimbawa, ang Binyag, Eukaristiya, at Pagkumpirma ay natatanggap sa parehong araw ng pagsisimula sa pananampalataya. Ang isa pang kaibahan ay ang mga pari sa Eastern Rite ay maaaring ikasal.
Marami sa mga porma at kaugalian sa Byzantine Rite ay tumutugma sa tradisyon ng Silangang Orthodokso. Gayunpaman, salungat sa Orthodox, ang mga Greek Catholics ay ganap na bahagi ng Simbahang Katoliko. Ang taong liturhiko ay maaaring magkakaiba kung saan ang mga Simbahang Silangan ay patuloy na gumagamit ng kalendaryong Julian (25 BC), habang tinanggap ng Simbahang Kanluranin ang mas karaniwang kalendaryong Gregorian (1582 AD).
How does the Church on earth celebrate the liturgy?
The Church on earth celebrates the liturgy as a priestly people in which each one acts according to his proper function in the unity of the Holy Spirit. The baptized offer themselves in a spiritual sacrifice; the ordained ministers celebrate according to the Order they received for the service of all the members of the Church; the bishops and priests act in the Person of Christ the Head. [CCCC 235]
How is the liturgy celebrated?
The celebration of the liturgy is interwoven with signs and symbols whose meaning is rooted in creation and in human culture. It is determined by the events of the Old Testament and is fully revealed in the Person and work of Christ. [CCCC 236]
What is the purpose of holy images?
The image of Christ is the liturgical icon par excellence. Other images, representations of Our Lady and of the Saints, signify Christ who is glorified in them. They proclaim the same Gospel message that Sacred Scripture communicates by the word and they help to awaken and nourish the faith of believers. [CCCC 240]
What is the function of the liturgical year?
In the liturgical year the Church celebrates the whole mystery of Christ from his Incarnation to his return in glory. On set days the Church venerates with special love the Blessed Virgin Mary, the Mother of God. The Church also keeps the memorials of saints who lived for Christ, who suffered with him, and who live with him in glory. [CCCC 242]
Ano ang pinakamalalim na pinagmulan ng Liturhiya?
Ang pinakamalalim na pinagmulan ng → Liturhiya ay ang Diyos, kung saan mayroong walang hanggang, makalangit na kapistahan ng pag-ibig - ang kagalakan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Dahil ang Diyos ay pag-ibig, nais Niyang makibahagi tayo sa pista ng Kanyang kagalakan at pagkalooban tayo ng Kanyang → pagpapala.
Ang ating makalupang pagdiriwang ng Liturhiya ay dapat maging pagdiriwang na puno ng kagandahan at lakas: 1) Mga pagdiriwang ng Ama na lumikha sa atin - kaya gumaganap ng isang malaking papel ang mga kaloob ng lupa: tinapay, alak, langis at ilaw, amoy ng insenso, banal na musika at magagarang kulay. 2) Mga pagdiriwang ng Anak na nagligtas sa atin - kaya nagagalak tayo sa ating pagkakaligtas, muli tayong humihinga sa pagkikinig sa salita, lumalakas tayo sa pagkain ng Eukaristiyang kaloob. 3) Mga pagdiriwang ng Espiritu Santo na nabubuhay sa atin - kaya ang umaapaw na yaman ng kaginhawaan, kaalaman, tapang, lakas at → pagpapala na nagmumula sa mga banal na pagtitipon. [Youcat 170]
Ano ang pinakamahalaga sa bawat Liturhiya?
Una sa lahat, ang → Liturhiya ay palaging pakikipag-isa kay Jesukristo. Ang bawat Liturhiya, hindi lamang ang pagdiriwang ng Eukaristiya, ay isang maliit na pagdiriwang ng pasko ng muling pagkabuhay. Ipinagdiriwang ni Jesus kasama natin ang pagdaan mula kamatayan patungo sa buhay at binubuksan ito.
Ang pinakamahalagang Misa sa mundo ay ang Misa ng Huling Hapunan kung saan nagdiwang si Jesus sa silid ng Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga alagad noong gabi bago Siya mamatay. Inisip ng mga alagad na ipagdiriwang ni Jesus ang pagpapalaya sa Israel mula sa Ehipto. Ngunit ipinagdiwang ni Jesus ang pagpapalaya ng buong sangkatauhan mula sa kapangyarihan ng kamatayan. Noon sa Ehipto ay naligtas ng "dugo ng kordero" ang mga Israelita sa anghel ng kamatayan. Ngayon ay Siya ang naging kordero, at ang Kanyang dugo ang magliligtas sa sangkatauhan mula sa kamatayan. Kaya ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus ang katibayan na maaaring mamatay ang tao, ngunit kanyang makakamit ang buhay. Ito ang tunay na nilalaman ng bawat Kristiyanong pagsamba. Si Jesus mismo ang nagkumpara sa Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay sa pagpapalaya sa Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Kaya ang mapagligtas na epekto ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus ay itinalaga bilang misteryo ng paskuwa. Kahalintulad sa nagbibigay buhay na dugo ng kordero sa pag-alis ng mga Israelita sa Ehipto (Ex 12), si Jesus ang tunay na kordero ng paskuwa na nagligtas sa sangkatauhan mula sa kanyang pagkakapulupot sa kamatayan at kasalanan. [Youcat 171]