2.7 Hindi ba labag sa pagka-kristiyano ang pagiging napakayaman ng Simbahan?
Karamihan sa “kayamanan” ng Simbahan ay hindi pwedeng ipagbili: ang pinakamalaking kayamanan ay ang mensahe ng Ebanghelyo! Ang mga likhang sining at mga lumang manuskrito ay hindi rin maipagbibili, ngunit sila ay kailangang pangalagaan ng maayos. Ang mga lupang pag-aari ng Simbahan sa buong mundo ay ginagamit para sa mga Katolikong paaralan, ospital, institusyon, simbahan, at iba pa. Ang lupa, samakatuwid, ay hindi nakakalikom ng kita, bagaman ang mga gusali ay magastos mapanatili.
Ang taunang laang-gugulin ng Lungsod ng Vatican ay ginagamit para bayaran ang mga empleyado, at sa pagpapanatili at panumbalik ng mga likhang sining sa Vatican. Ginagamit din ang salapi na ito upang tustusan ang mga gawain ng Santa Sede at bigyan ng tulong na pang-emergency at tulong pangkaunlaran sa buong mundo.
What is the content of the social doctrine of the Church?
The social doctrine of the Church is an organic development of the truth of the Gospel about the dignity of the human person and his social dimension offering principles for reflection, criteria for judgment, and norms and guidelines for action. [CCCC 509]
Bakit may sariling doktrinang panlipunan ang Simbahang Katolika?
Dahil nagtataglay ang lahat ng tao ng kakaibang karangalan bilang mga anak ng Diyos, tinitiyak ng Simbahan, gamit ang doktrinang panlipunan nito, na ang dignidad ng tao sa larangan ng lipunan ay maisasakatuparan din para sa lahat ng tao. Hindi niya nais paboran ang pulitika o ang ekonomiya. Ngunit, kung ang karangalan ng tao ay pinipinsala sa pulitika at ekonomiya, kinakailangan nang manghimasok ng Simbahan.
"Ang kagalakan at pag-asa, lungkot at takot ng mga tao ngayon, lalung-lalo na ng mga mahihirap at nagdadalamhati sa anumang paraan, ay siya ring kagalakan at pag-asa, lungkot at takot ng mga alagad ni Kristo" (Ikalawang Konsilyo Vaticano, GS 1). Sa kanyang doktrinang panlipunan, ginagawang kongkreto ng Simbahan ang pangungusap na ito. At tinatanong niya: Paano natin aakuin ang responsibilidad para sa kapakanan ng lahat at makatarungang pakikitungo sa lahat, kabilang ang mga di-Kristiyano? Ano ang dapat na hitsura ng isang makatarungang pagkakalatag ng magkakasamang pamumuhay ng mga tao, ng pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunang mga institusyon? Sa kanyang katapatan sa katarungan, ang Simbahan ay ginagabayan ng isang pag-ibig na batay sa pag-ibig ni Kristo para sa mga tao. [Youcat 438]
[Bakit hindi ipinagbibili ng Simbahan ang kayamanan nito?] Ito ay isang madaling tanong. Hindi sila ang mga kayamanan ng Simbahan, [ngunit] mga kayamanan ng sangkatauhan ... Halimbawa, kung bukas sasabihin kong auction ang Pieta ni Michelangelo, hindi ito magagawa, sapagkat hindi ito pag-aari ng Simbahan. Nasa loob ito ng isang Simbahan, ngunit ito ay nabibilang sa sangkatauhan ... [Totoo ito] para sa lahat ng mga kayamanan ng Simbahan. [Pope Francis, Interview in Straatkrant, 6 Nov. 2015]