4.13 Ano nga ba ang kasalanan?
Gumagawa ka ng kasalanan [>4.9] kapag gumawa ka ng isang bagay na labag sa Kalooban ng Diyos [>4.6]. Ang kasalanan ay isang sadyang masamang kilos: isang pag-iisip, isang bagay na iyong ginawa o nabigong gawin, isang bagay na iyong sinabi o nabigong sabihin.
Ang iyong mga kasalanan at ang mga kahihinatnan nito ay hadlang sa iyong kaugnayan sa Diyos. Pinapahina nila ang ugnayan sa pagitan mo at ng Diyos [>1.4]. Kapag nasa isang ‘estado ng kasalanan’ (dahil nagawa mo ang isang kasalanan), mas madali kang matutuksong magkasala ulit. Samakatuwid mahalaga na humingi ng kapatawaran ng Diyos [>3.38] nang paulit-ulit.
Why is the Church apostolic?
The Church is apostolic in her origin because she has been built on “the foundation of the Apostles” (Ephesians 2:20). She is apostolic in her teaching which is the same as that of the Apostles. She is apostolic by reason of her structure insofar as she is taught, sanctified, and guided until Christ returns by the Apostles through their successors who are the bishops in communion with the successor of Peter. [CCCC 174]
Bakit tinawag na apostoliko ang Simbahan?
Tinatawag na apostoliko ang → Simbahan, dahil siya na itinatag mula sa mga → apostol, ay kumakapit sa mga tradisyon nito at ginagabayan ng mga humalili sa kanila.
Ipinatawag ni Jesus ang mga → apostol bilang Kanyang mga pinakamalapit na katrabaho. Sila ang mga saksing nakakita sa Kanya. Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya sa kanila nang maraming beses. Ibinigay Niya sa kanila ang Espiritu Santo at ipinadala sila sa buong mundo bilang Kanyang mga awtorisadong sugo. Sila ang mga tagagarantiya ng pagkakaisa sa batang Simbahan. Pinapasa ang kanilang misyon at pag-awtorisa sa pamamagitan ng pagpapataw ng kamay sa kanilang mga kahalili, ang mga → obispo. Ganito ang nangyayari hanggang ngayon. Tinatawag na → apostolikong pagpapatuloy (apostolic succession) ang prosesong ito. [Youcat 137]
In what way is the Church holy?
The Church is holy insofar as the Most Holy God is her author. Christ has given himself for her to sanctify her and make her a source of sanctification. The Holy Spirit gives her life with charity. In the Church one finds the fullness of the means of salvation. Holiness is the vocation of each of her members and the purpose of all her activities. The Church counts among her members the Virgin Mary and numerous Saints who are her models and intercessors. The holiness of the Church is the fountain of sanctification for her children who here on earth recognize themselves as sinners ever in need of conversion and purification. [CCCC 165]
Bakit banal ang Simbahan?
Ang → Simbahan ay banal hindi dahil banal ang lahat ng kanyang miyembro, kundi dahil banal ang Diyos, at Siya ang kumikilos sa Simbahan. Lahat ng miyembro ng Simbahan ay banal sa pamamagitan ng binyag.
Kung kailan hinahayaan natin ang Tatlong Persona sa Isang Diyos na kumilos sa atin, lalago tayo sa pag-ibig, at magiging banal at malusog. Ang mga banal ay mga nagmamahal - hindi dahil kaya nila itong gawin nang mabuti kundi dahil kumikilos ang Diyos sa kanila. Ipinapasa nila sa tao ang pagmamahal na natanggap nila sa Diyos, kadalasan sa kanilang sariling orihinal na paraan. Sa kanilang pagbalik sa Diyos, napapabanal din nila ang Simbahan dahil "ginugugol nila ang kanilang langit sa pamamagitan nito," upang matulungan tayo sa ating pagtungo sa → kabanalan. [Youcat 132]
Ano ang mga bisyo?
Ang mga bisyo ay mga negatibong nakasanayang gawi na pinabibingi at pinadidilim ang konsiyensiya, binubuksan ang tao para sa kasamaan at habitwal na pinaghahanda siya para sa kasalanan.
Ang mga bisyo ng tao na kayabangan, kasakiman, inggit, galit, kawalan ng kalinisang-puri, kawalan ng pagpipigil, katamaran at labis na kabusugan, ay hindi nalalayo sa kasalanang nakamamatay. [Youcat 318]
Ang kasalanan ay anumang paglabag sa gawa, o salita, o pagnanais, ng walang hanggang batas. At ang walang hanggang batas ay ang banal na kaayusan o Kalooban ng Diyos, na nangangailangan ng pangangalaga ng natural na kaayusan, at ipinagbabawal ang paglabag nito. [St. Augustine, Reply to Faustus the Manichaean, Bk. 22, Chap. 27 (ML 42, 418)]